Balita

MVP SI DURANT

Team LeBron, angat sa Team Giannis sa NBA All-Stars

-

CHARLOTTE (AP) – Bumalikwas ang Team LeBron mula sa double digit na paghahabol sa first half para maitarak ang 178-164 panalo laban sa Team Giannis sa 2019 NBA AllStar Game nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Naisalpak nina Klay Thompson at Damian Lillard ang magkakasun­od na triples sa pagtatapos ng third period para sandigan ang Team LeBron laban sa Team Giannis matapos maghabol sa 50-36 sa second period.

Kumana sina Thompson, Lillard at Kevin Durant ng tig-anim na threepoint­er sa larong nagresulta ng kabuuang 62 three-point shots.

Naitala ng Team LeBron ang 35 sa 91 tira sa downtown, habang ang Team Giannis ay may nakuhang 27 sa 77 pagtatangk­a.

Tumapos si Durant na may 31 puntos at tanghaling MVP.

Nag-ambag si Thompson ng 20 markers, habang kumana si Lillard ng 18 puntos. Hataw din si Kawhi Leonard ng limang three-pointer para mapantayan si LeBron James na may tig-19 puntos.

Nanguna si Giannis Antetokoun­mpo sa game-hign 38 puntos mula sa 17 for 23 shots.

Kumana sina Paul George at Khris MIddleton ng tig-20 puntos para sa Team Giannis.

Kahanga-hanga ang laro na lubhang kinasiyaha­n ng mga manonood. Maging angmga beteranong sina Dwayne Wade at Dirk Nowitzi ay nakapag-ambag sa kanilang malalayong three-point shot.

“We just started making shots,” sambit ni Durant, naging All-Star MVP din noong 2012.

“Thanks for the hospitalit­y,” aniya patungkol sa hots Charlotte na pinamumunu­na ni basketball great Micahel Jordan. “It was an amazing weekend. Glad we capped it off with a ‘W.’”

 ?? AP ?? NAKIPAGBUN­O sa rebounds si Kevin Durant sa isang tagpo ng laro sa NBA All-Star Game. Tinanghal na MVP si Durant nang pangunahan ang Team LeBron laban sa Team Giannis.
AP NAKIPAGBUN­O sa rebounds si Kevin Durant sa isang tagpo ng laro sa NBA All-Star Game. Tinanghal na MVP si Durant nang pangunahan ang Team LeBron laban sa Team Giannis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines