Balita

Angel at Direk Manny, ginagawan ng issue

- Ni REGGEE BONOAN

MARIING pinabulaan­an ni Angel Locsin ang sitsit na nag-walk out siya sa taping ng The General’s Daughter nitong Biyernes, Pebrero 15. At ang itinuturon­g rason sa biglaan daw na pag-alis niya ay ang direktor na si Manny Palo, na parati raw nakasigaw at nagmumura sa set.

Tanda namin na sa mediacon ng The General’s Daughter ay natanong ang cast kung paanong katrabaho si Direk Manny. Lahat sila ay natawa, sabay sabi: “Okay naman si Direk Manny”.

May mga nagsabi naman na taga-production na mahigpit si Direk Manny, at gustong laging on-time ang mga artista, at dapat handa pagdating sa set.

Ang tipid ng sagot sa amin ni Angel nang tanungin namin siya tungkol sa walk-out issue.

“Wit. Super okay kami as in,” aniya, tinukoy si Direk Manny.

Nabanggit naman ng kampo ng aktres na ginagawan siya ng isyu, kaya nabanggit namin it okay Angel.

“Oo nga, eh. Kalurks!” sagot ni Angel. Samantala, nitong Linggo ay ipinagdiwa­ng ni Angel ang kaarawan ng kanyang Daddy Angelo Colmenares, na 92 years old na pero malakas pa ang katawan at sharp pa rin ang memory.

Kuwento sa amin ng isa sa mga anak ni Daddy Angelo: “Si Daddy laging nag-exercise ‘yan tuwing umaga, at nagpapaara­w para raw sa bones niya. At sobrang hilig sa prutas at gulay. Malakas pa si Daddy.”

Oo nga, halata naman sa postura ng matanda na kung nakakakita lang siguro ay malamang na mabilis ito maglakad.

Nag-post si Angel ng litrato ng daddy niya sa Instagram. Caption niya: “Nothing better than seeing you happy and healthy, Daddy. Happiest birthday to the most incredible, most inspiratio­nal, most captivatin­g 92-year-old I have ever known.”

Sa Shangri-La sa The Fort, Bonifacio Global City naman nag-dinner ang magkakapat­id na Colmenares kasama ang kanilang daddy.

Going back to Angel, tuluy-tuloy pa rin ang pamamayagp­ag ng The General’s Daughter sa ratings game, back-to-back sila ng FPJ’s Ang Probinsyan­o.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines