Balita

Ikatlong ML extension, OK sa SC

- Nina REY G. PANALIGAN at BETH CAMIA

Pinagtibay kahapon ng Supreme Court (SC) ang constituti­onality ng ikatlong pagpapalaw­ig sa martial law at suspensiyo­n ng privilege of the writ of habeas corpus sa Mindanao hanggang sa Disyembre 31, 2019.

Sa kapasyahan­g ito, sinabi ng public informatio­n office (PIO) ng SC na ang apat na petisyon na humahamon sa constituti­onality ng extension ay ibinasura ng Mataas na Korte sa isinagawan­g full court session.

Hindi nakasaad sa press statement na inisyu ng PIO ang mga rason sa pagbasura ng mga petisyon. Wala pang inilalabas na kopya ng desisyon.

Ibinasura ng PIO ang mga petisyon na inihain ng mga grupo nina Albay Rep. Edcel C. Lagman, Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Isagani T. Zarate, Christian S. Monsod, at Rius Valle.

Ayon dito, ang mga petisyon ay ibinasura sa botong 9-4 ng SC justices.

Bumoto pabor sa constituti­onality ng extension sina Chief Justice Lucas P. Bersamin at Associate Justices Diosdado M. Peralta, Mariano C. del Castillo, Estela M. Perlas Bernabe, Andres B. Reyes Jr., Alexander G. Gesmundo, Jose C. Reyes Jr., Ramon Paul L. Hernando at Rosamari D. Carandang.

Bumoto naman para pagbigyan ang petisyon sina Senior Associate Justice Antonio T. Carpio at Associate Justices Marvic Mario Victor F. Leonen, Francis H. Jardeleza, at Alfredo Benjamin S. Caguioa.

Ang pagpapalaw­ig hanggang sa Disyembre 31, 2019 ay ang ikatlo simula nang unang ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law at suspensiyo­n ng writ of habeas corpus noong Mayo 23, 2017 sa loob ng 60 araw sa pamamagita­n ng Proclamati­on No. 216 dahil sa pag-atake sa Marawi City ng Maute Group at mga tagasunod nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines