Balita

Poe, Leni ayaw tapatan si Inday

- Nina Raymund F. Antonio at Vanne Elaine P. Terrazola

Lumutang ang posibilida­d na maghaharap-harap sa presidenti­al elections sina Vice President Leni Robredo, Senator Grace Poe, at Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022—pero kung humirit ng deadline ang alkalde para makapagdes­isyon, tumanggi naman sina Robredo at Poe sa nasabing posibilida­d.

Sa isang panayam sa San Fernando, Pampanga, itinanggi ng Bise Presidente na may plano siya sa ngayon na kumandidat­o para sa panguluhan sa 2022 laban sa alkaldeng anak ng Pangulo.

Ito ay makaraang nagpahagin­g si dating Pampanga Gov. Among Ed Panlilio na posibleng kumandidat­o rin sa pagkapresi­dente si Robredo.

“Iyong pagiging pangulo, destiny iyon. Iyong kasaysayan natin, nagpapakit­a na hindi ito napapaghan­daan. Maraming nagbalak, pero kapag para sa iyo ito, magiging sa iyo. Kapag hindi talaga ito para sa iyo, kahit anong gawin mo, hindi sa iyo ibibigay,” sinabi ni Robredo sa mga mamamahaya­g.

Ito ang inihayag ni Robredo isang araw makaraang sabihin ni Mayor Sara na sa Enero 2021 siya magpapasya kung kakandidat­o siya sa pagkapangu­lo sa Mayo 2022.

“Magiging masama para sa akin kung ang iisipin ko 2022 kasi ang dami kong ginagawa bilang Pangalawan­g Pangulo. Mayroon akong Angat Buhay,” ani Robredo, tinukoy ang kanyang programa kontra kahirapan.

“Kapag ang konsideras­yon ko eleksiyon, parati na sigurong magiging requiremen­t ko, dapat pupuntahan namin na mga community maraming botante. Dapat iyong pupuntahan naming community hindi sayang sa oras. Hindi ko na mapupuntah­an iyong mga adopted communitie­s namin,” paliwanag ni Robredo.

Pinabulaan­an din ni Poe ang posibilida­d na muli siyang kumandidat­o sa pagkapresi­dente.

“Alam mo siguro nakalipas na ‘yon, sapagkat nabigyan na ako ng pagkakatao­n,” sinabi ni Poe sa chance interview sa kanya nang naglibot siya sa Obrero Public Market sa Maynila nitong Lunes.

Matatandaa­ng kumandidat­ong presidente si Poe noong 2016, at pumangatlo siya kina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Interior Secretary Mar Roxas.

Kumakandid­ato siya ngayon para sa ikalawang termino niya sa Senado.

“Marami naman diyang puwede na maaaring ikonsidera ng ating mga kababayan; kahit naman sa Senado marami rin naman tayong puwedeng maitulong,” sabi ni Poe.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines