Balita

Wax figure ni Pia, sa ‘Pinas muna

- Reggee Bonoan

GALING sa Hong Kong noong nakaraang Linggo si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach para sa pictorial niya para sa gagamiting wax figure na isasama sa mga tanyag na personalid­ad sa buong mundo, na makikita sa Madame Tussauds Hong Kong, na matatagpua­n sa Peak Tower, Hong Kong Island.

Si Madame Tussauds ang kilalang wax sculptor na sinimulan ang sariling museum sa London, na naging tourist attraction sa 25 countries. May mga museo siya sa Asia: China, Hong

Kong, New Delhi, India, Japan, Singapore, at Thailand.

Sa Europe, mayroon ding Madame Tussauds sa Amsterdam, Germany, United Kingdom, Istanbul, London, Prague, Czech Republic, at Vienna sa Austria. Mayroon din sa iba’t ibang cities ng North America tulad sa Hollywood, Las Vegas, Nashville, New

York City, Orlando, San Francisco, at Washington DC. Kasama rin ang Sydney, Australia.

Sa Abril 2019 ang grand unveiling ng wax figure ni Pia sa Hong Kong, pero mauuna muna rito sa Pilipinas sa Marso, para naman unang masilayan ito ng mga kababayan niyang Pinoy.

Dadalhin ang wax figure sa Mall of Asia Arena, at kung walang pagbabago ay dalawang araw lang sa bansa ang nasabing estatwa, base sa pahayag ng handler ng beauty queen na si Rikka Infantado Fernandez. “First ever Pinoy wax figure ang kay Pia sa Madame Tussauds HK. Mabusisi sila, ilang hours naka-pose si Pia para ma-achieve ang pose, na secret muna kung ano, pero sure na OA sa dami ang magpapa-picture,” sabi ni Rikka. Ano kayang pose ito? Hindi lang ang pose ang gagayahin, kundi ang pag-smile rin ng ating ikatlong Miss Universe.

“Eto (ang) fun fact. Kinuha pa ng Madame Tussauds ang dental impression ni Pia sa Center for Advanced Dentistry, ganoon sila kadetalye!” kuwento pa ni Rikka.

Tinanong ulit namin kung bakit sa rami ng tanyag na personalid­ad sa Pilipinas ay si Pia ang napili na unang gawan ng wax figure?

“Idinaan sa survey dito sa HK, at siya ang gusto,” saad ni Rikka. Mamamayan ng Hong Kong pala ang bumoto kay Pia para mapasama sa collection­s ng Madame Tussauds.

As of now ay hindi pa alam kung anong kulay ng gown ang ipasusuot sa wax figure ni Pia, kung ang blue na suot niya nang manalo noong 2015, o pula. Anyway, dumating na sa bansa si Pia nitong Lunes, at dumiretso kaagad sa taping ng World of Dance bilang co-host ni Luis Manzano.

 ??  ??
 ??  ?? Pia
Pia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines