Balita

Pakistani, pinosasan sa pagsangla ng carnapped

- Bella Gamotea

Inaresto ng Makati City Police Station-Anti-Carnapping Unit ang isang Pakistani nang isanla ang nakaw na sasakyan, sa entrapment operation sa lungsod, kamakalawa.

Nahaharap sa kasong carnapping (RA 10883) at estafa si Raj Kumat Dadlani, Jr. y Motwani, 37, ng 1011 Teresa Street, Barangay Valenzuela, Makati City.

Kinilala naman ang biktima na sina Larry Daroca at Lucas Mangabat, kapwa nasa hustong gulang.

Sa ulat ni Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng pulisya, nagsagawa ng entrapment operation ang AnCar Unit laban sa suspek sa isang mall sa Makati City, bandang 5:30 ng hapon.

Sa report, nakumbinsi ni Mangabat ang suspek na bayaran ang natitirang balanse sa isinanlang nakaw na sasakyan ni Darroca, na sanhi ng pagkakaare­sto ni Dadlani.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, isang dayuhan ang tumangay sa nakaparada­ng Hyundai Van H100 Shuttle Body sa tapat ng bahay ni Darocca sa Sampaloc St., Bgy. San Antonio, Makati City nitong Enero 9, dakong 10:00 ng gabi.

Pebrero 16, nakatangga­p ng impormasyo­n ang AnCar na ang sasakyan ay isinanla ng suspek sa Batangas City.

Nagsagawa ng follow-up operation at nadiskubre­ng nakasanla ang sasakyan kay Mangabat sa Paharang East, Batangas City.

Natuklasan din ni Mangabat na kahina-hinala ang mga papeles ng sasakyan kaya iniulat sa pulisya ang insidente at isinagawa ang entrapment operation laban kay Dadlani.

Nakakulong ang dayuhan sa Makati Police at isasailali­m sa inquest proceeding­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines