Balita

Pekeng pulis kalaboso sa extortion

- Ria Fernandez

Isang lalaki na nagpanggap na pulis ang inaresto sa pangingiki­l sa mga opisyal ng barangay at negosyante sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Chadwick Quiaoit, 39, ng 1065 Santa Clara Street ng nasabing lungsod. Miyembro rin siya ng “Bahala Na” gang, ayon sa awtoridad.

Dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 4 ang suspek, nakasuot ng olive green police training shirt, sa entrapment operation nitong nakaraang linggo.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek sa reklamo ng isang negosyante, na inakusahan ang una na nagpakilal­ang Sergeant Hernandez at humingi ng protection money.

Nadiskubre ng complainan­t na pekeng pulis ang suspek nang beripikahi­n niya ang trabaho nito sa isang presinto sa Sampaloc.

Una rito, hiniling din ng suspek sa barangay councilor na isponsoran ang mga alak para sa umano’y okasyon sa istasyon.

Ayon kay Senior Insp. Philipp Ines, tagapagsal­ita ng MPD Station 4, nakatangga­p sila ng ulat hinggil sa ilegal aktibidad ng suspek noon pang 2017.

Katunayan, ginagamit din umano ni Ines ang kanyang pangalan sa pangingiki­l noong siya pa ang commander ng España Police Community Precinct (PCP).

“That was not the first time that he did it…[his modus] was to go to 192 barangays of Sampaloc, pretend to be a member of MPD Station 4, then tell his victims that their station commander is asking for something,” sabi ni Ines.

“I guess he also visits other districts,” dagdag niya.

Napag-alaman din na nakulong ang suspek noong 2016 dahil sa ilegal na droga.

Kinasuhan si Quiaoit ng robbery extortion at usurpation of authority, gayundin ng possession of illegal drugs nang makuhanan ng isang pakete ng umano’y shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines