Balita

3 bangenge kulong sa pambabasto­s, pananaksak

- Orly L. Barcala

Patung-patong na kaso ang kinakahara­p ng tatlong lalaki matapos umanong bastusin ang isang babae, saksakin ang grab driver at murahin ang pulis sa Valenzuela City, kamakalawa.

Sa report kay Police Senior Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang mga inaresto na sina Deo Abata, 24, nakatira sa No. 5040 Quebalag Street, Barangay Ugong; Denmar Manalo, 23, ng No. 4227 Phase 4, Bgy. Ugong; at Jayson Martin, 22, ng Que Grande Bgy. Ugong.

Sa ulat, naglalakad ang biktimang si Wilma Ocon, 25, sa kahabaan ng Lamesa St., Bgy. Ugong, dakong 7:00 ng gabi.

Hinarang umano siya ng mga suspek at sinabing, “Miss puwede ka bang ikama naming tatlo?”

Tumakbo ang biktima at tiyempong nasalubong siya nina Raymond Javier, 26, Grab driver; at Erwin Gonzales, 32, at tinulungan ang una.

Nagalit ang mga suspek at sinabihan si Javier ng, “Pu ****** a mo! Paliparin mo! Pu ****** a mo! Basagin namin ‘yang kotse mo!”

Bumaba si Javier sa sasakyan, ngunit sinalubong siya ng saksak ni Abata.

Nagkataong rumuronda ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 8, at inaresto ang mga suspek.

Sa loob ng Station Investigat­ion Unit (SIU), minura umano nina Abata at Manalo si PO2 Mark Bolanio.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong frustrated homicide, physical injuries unjust vexation (3 counts), at derict assault.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines