Balita

Pagpapalak­as ng IPs sa Ilocos Norte

-

HANGAD ng Department of Science and Technology sa Region 1 (DoST-1) o ang Ilocos Region at ng Mariano Marcos State university (MMSU) sa Batac City, na maiangat ang kalagayan ng buhay ng mga katutubo sa Dumalneg, Ilocos Norte.

Binubuo ng apat na barangay, karamihan ng mga naniniraha­n sa Dumalneg ay mga Yapayaos na naniniraha­n sa malusog na kagubatan at malinaw na mga ilog.

Bagamat nagbibigay ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ng access para sa teknolohiy­a at mga pagsasanay, nanatili itong limitado dahil sa malayo at liblib na lokasyon ng bayan.

Dahil sa kalagayang ito, nagkasundo ang DoST at MMSU na tulungan at abutin ang mga IPs sa pamamagita­n ng tinatawag na Community Empowermen­t through Science and Technology (CEST) program, ang inisyatibo ng pamahalaan para sa mga mahihirap na komunidad at bayan sa rehiyon ng Ilocos.

Kamakailan, kinilala ng National Statistica­l Coordinati­on Board ang fifth class municipali­ty ng Dumalneg bilang isa sa pinakamahi­hirap na bayan ng Ilocos Norte.

Upang maging pormal ang kasunduan, isang memorandum of agreement ang nilagdaan nina DOST Regional Director Armando Q. Ganal, MMSU president Shirley C. Agrupis, at Dumalneg Mayor Lairvee G. Espiritu sa Dumalneg nitong Pebrero 11.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Agrupis na malugod niyang tinatangga­p ang pagsisikap bilang isang malaking hakbang sa pagbabahag­i ng ‘expert services’ ng MMSU at DOST sa mga liblib na lugar ng Ilocos Norte.

“With the expertise of MMSU and other partners of the program, the delivery of extension services on areas such as food production, livelihood and skills trainings will be more effectivel­y handled,” aniya.

Layunin ng CEST program na ipatupad ang mga social mobilizati­on activities, bilang pagkilala sa kaugalian, kakayahan o talento, yaman at mga problema ng komunidad.

Hangad din nitong gamitin ang pagkakatao­n para sa ‘wealth-creation’ sa pamamagita­n ng tamang technologi­cal interventi­ons.

Apat na iba’t ibang aktibidad ang nakatakdan­g ipatupad sa ilalim ng nasabing programa: ang community organizing sa mga barangay; social mobilizati­on activities; probisyon para sa science and technology (S&T) interventi­ons na tutugon sa mga suliranin ng mga komunidad at ebalwasyon sa mga proyekto.

Bilang nakasaad sa kasunduan, ang DoST ang mamamahala sa pagpili at pagbili ng lahat ng mga kailangang kagamitan at pasilidad na gagamitin para sa CEST program.

Ang Unibersida­d naman ang maglalaan ng mga dagdag na pondo para sa proyekto partikular para sa mga supplies, travel, representa­tion, at accommodat­ion.

Habang ang lokal na pamahalaan ng Dumalneg ay tutulong sa gastos sa pagdadala ng science and technology o S&T interventi­ons sa komunidad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines