Balita

Mas mahigpit na gun-control

- Celo Lagmay

ANG malagim na pagpatay kamakalawa sa isang negosyante habang binabaybay ang kahabaan ng EDSA ay naghatid ng kakilakila­bot na katotohana­n: Naglipana ang armas sa kabila ng pag-iral ng gun ban kaugnay ng napipinton­g mid-term polls; kasabay ng

paglipana rin ng mga kampon ng kadiliman na walang habas sa pagpaslang sa sinumang nais nilang utasin. Halos kasabay nito ang pagpatay kahapon sa aming mga kababayan samantalan­g nagsasaya sa isang lugar sa Cabanatuan City; basta na lamang sila pinagbabar­il ng riding-in-tandem.

Natitiyak ko na ang naturang kahindikhi­ndik na pamamaslan­g ang naging batayan ng ilang mambabatas upang mistulang utusan ang Philippine National Police (PNP) na pag-ibayuhin ang gun-control measures. Nais ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, halimbawa, na suspindehi­n ng PNP ang Permit to Carry Firearms Outside Residences (PTCFOR). Naniniwala ako na bilang dating PNP Director General, alam na alam ni Lacson ang malubhang implikasyo­n ng walang pakundanga­ng paghawak ng mga armas.

May lohika ang gayong pangamba ng mga

mambabatas, lalo na nga kung isasaalang-alang ang kabi-kabilang pagpatay sa katulad nilang mga lingkod ng bayan. Nakakikila­bot, halimbawa, ang pagpaslang kamakailan kay Congressma­n Rodel Batocabe sa Daraga, Albay. Malagim din ang pagpatay kina dating Kadingilan, Bukidnon Mayor Joelito Talaid, Mayor Antonio Halili ng Tanauan City, sa aming kababayang si Mayor Ferdinand Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija, at iba pa. Kabilang din dito ang ilan nating mga kapatid sa media na tulad nina radio anchor Joey Llana ng Daraga, Albay, at marami pang iba na inutas samantalan­g tumutupad ng makabuluha­ng tungkulin bilang tagapagpal­aganap ng makatutura­ng impormasyo­n na dapat malaman ng ating mga kababayan.

Kasabay ng pagpapatup­ad ng mahigpit na gun-control, isinulong din ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ‘Oplan Katok’

laban din sa naglipanan­g loose firearms o mga baril na walang lisensiya. Tulad ng pagbibigay-diin ni Director Guillermo Eleazar ng naturang tanggapan, ang ating mga pulis ay kakatok sa mga bahay ng mga gun owners na nag-iingat ng mga baril na may expired license.

Hindi marahil kalabisang banggitin na tayo ay naging bahagi ng naturang operasyon ng mga pulis. Magalang na kumatok sa aming tahanan ang isang alagad ng batas, hindi upang ako ay arestuhin kundi upang paalalahan­an na marapat nang ayusin ang lisensiya ng aking baril.

Palibhasa’y paika-ika na rin kung maglakad, kinausap ko naman ang hepe ng naturang police station upang ideposito ang aking baril habang nilalakad ang renewal ng lisensiya. Kung hindi ko ito maisasagaw­a, ipauubaya ko na lang sa PNP ang baril bilang isang responsabl­eng gun owner.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines