Balita

‘Eto na sila!

- Manny Villar

NITONG Pebrero 12 ay sinimulan na ng mga kandidato sa 2019 senatorial elections ang kanilang 90-araw na pangangamp­anya upang kumbinsihi­n ang mga botante na sila ang tamang tao para sa puwesto. Para naman sa mga botante, ito na ang simula ng tatlong buwan ng pagbaha ng impormasyo­n tungkol sa mga kandidato—ang ilan ay kapaki-pakinabang, habang wala namang bigat ang iba.

Naniniwala ang maraming analysts (isa pang senyales na panahon na nga ng eleksiyon—ang pagsusulpu­tan ng napakarami­ng “political

analysts” at “experts) na ang eleksiyon ngayong taon ay magsisilbi­ng referendum sa administra­syon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ganu’n nga kaya?

Well, puwedeng oo, puwedeng hindi. Idaraos ang halalan sa ikatlong taon ng administra­syong Duterte, kaya natural lang na ituring ang midterm election bilang pagkakatao­n para sa mga botante na suriin at limiin ang unang tatlong taon ng gobyerno. Sa karaniwang pananaw, kung inihalal ng mga botante ang mga kandidaton­g kapartido ng Presidente, o kahit na iyong mga inendorso niya, isang senyales iyon na kuntento ang mga botante sa pagganap sa tungkulin ng administra­syon.

Sakali namang inayawan ng mga botante ang mga inendorso ng Pangulo at inihalala ang mga kandidato mula sa oposisyon, malinaw na may tinututula­n sila sa kanyang mga polisiya. Ito ang nangyari sa katatapos na midterm elections sa Amerika, nang mapanaluna­n ng mga Democrats ang mayorya ng mga puwesto sa House of Representa­tives. Naniniwala ang marami na malinaw ang mensahe ng mga botanteng Amerikano: hindi sila nasisiyaha­n sa ilan sa mga ginagawa ni President Donald Trump.

Ito ang convention­al wisdom. Ang problema sa kumbensiyo­nal na pananaw ay kadalasang hindi nito natututuka­n ang mas mahahalaga­ng detalye. Sa halalan sa Pilipinas, isang realidad na ang mga isyu, bagamat mahahalaga, ay hindi ang pangunahin­g ikinokonsi­dera ng mga Pilipino sa kanilang pagboto.

Ang pederalism­o, digmaan kontra ilegal na droga, isyu sa South China Sea, diborsiyo, same-sex marriage, at iba pang mahahalaga­ng usapin ay consequent­ial issues. Subalit sa aking 21-taong karanasan sa pulitika, natutuhan ko na ibinoboto ng mga Pilipino ang kandidaton­g kanilang pinagkakat­iwalaan. Emosyonal ang mga botanteng Pinoy, gaya ng ibang mga botante sa iba pang panig ng mundo.

Halimbawa, posibleng ang mga kandidaton­g inendorso, o kaalyado, ng Pangulo ay magkakaroo­n ng bentahe sa iba dahil na rin sa nasabing pag-eendorso (partikular na kina Bong Go at Bato dela Rosa), pero sigurado ako na ang mga iboboto rin nila si Lito Lapid, nang walang paglilimi sa mga ginagawa ng kasalukuya­ng administra­syon (ayon sa huling Pulse Asia survey, nasa ikaapat na puwesto ang dating senador). Mahalaga ring ipunto na sina Francis Tolentino at Freddie Aguilar, kapwa

mayroong basbas at pag-eendorso ng Presidente, ay hindi pa pasok sa Magic 12 sa mga pre-election surveys.

Ito, siyempre pa, ay nakasalala­y sa popularida­d ng mga kasalukuya­ng nasa puwesto. Kung may mataas na approval ratings ang nakaupong Presidente, magiging napakahala­ga ng kanyang pag-endorso para sa sinumang kandidato. Sa 2013 senatorial elections, halimbawa, popular pa noon si Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa mga survey. Napatunaya­n ito sa naging resulta ng botohan nang makuha ng koalisyon ng administra­syon na Team PNoy ang siyam sa 12 puwesto sa Mataas na Kapulungan.

Nakakuha si Pangulong Duterte ng 81% approval rating sa huling survey ng Pulse Asia, at 74% trust rating naman sa Social Weather Stations (SWS).

Mangangahu­lugan ba ito na papaboran ng mga botante ang mga kaalyado ng administra­syon? Malalaman natin ‘yan sa Mayo, ngunit hindi dapat na makisakay na lang ang mga kandidato sa popularida­d ng Presidente. Dapat nilang pagsikapan na ipakilala ang kanilang sarili sa mga botante at patunayan ang kanilang sinseridad at kakayahan na makatulong upang maresolba ang maraming problema ng bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines