Balita

Magagandan­g asal-Pinoy sa ‘Familia Blondina’

- Ni MERCY LEJARDE

PANGUNGUNA­HAN ni Karla Estrada ang pelikulang Familia Blondina sa paghahatid ng magagandan­g asal sa mga anak at pati sa mga magulang, hindi lang dito sa ‘Pinas kundi pati sa worldwide market.

Babansagan­g bagong Comedy Momshie si Karla sa Familia Blondina, sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Umiikot ang Familia Blondina sa kuwento ni Cindy (Karla), na iniwan ang kanyang pamilya at nagpunta sa Amerika upang pakasalan ang isang Amerikanon­g sundalo. Meron silang tatlong anak na pawang blonde.

Nang pumanaw ang asawang Amerikano, iniwan sila nitong baon sa utang, at kailangang bumalik ni Cindy sa Pilipinas upang itaguyod ang mga anak.

Bagamat sunud-sunod ang kamalasan sa paghahanap ng trabaho, makikilala ni Cindy si Tonyboy (Jobert Austria), isang biyudo at may dalawang anak na blonde din.

Magiging isang pamilya sila, at ipauunawa nila sa mga anak ang mga kaugalian at tamang asal ng mga Pilipino.

Sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario, na lumikha ng Tanging Ina movie series, ang Familia Blondina ay magdadala ng saya at katatawana­n sa pamilyang Pilipino. Kasama ng tinagurian­g Queen Mother ni Daniel Padilla sa pelikula sina Marco Galo, Kira Balinger, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo, at Awra Briguela.

Mula sa produksiyo­n ng Arctic Sky, at inihahatid ng Cinescreen, ipalalabas ang Familia Blondina sa mga sinehan simula sa February 27.

So, dapat lang na panoorin nating lahat ang Familia Blondina, para boom ang pamilya ng bawat Pilipino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines