Balita

Kyline, magaling na endorser

- Ni LITO T. MAÑAGO

LUCKY charm ang turing ngayon ng Symply G Marketing staff sa bida ng Inagaw Na Bituin na si Kyline Alcantara.

Ang Symply G Hair & Skin Care ang latest endorsemen­t ng

La Nueva Kontrabida at aminado naman ang marketing people na lumakas ang kanilang sales simula nang maging brand endorser ang Bicolana star.

“She’s indeed our lucky charm,” wika ng Marketing Manager na si Mr. Marlon Fajardo. “Hindi kami nagkamali sa pagkuha sa kanya bilang product ambassadre­ss.

“Sa tulong na rin ng kanyang Sunflowers (hukbo ng mga fan ni Kyline), lumakas ang benta namin. Matatagpua­n na kami sa mga major supermarke­ts nationwide, nasa Mercury Drug na rin ang produkto namin,” dugtong pa kausap namin.

“Kuntento kami kay Kyline. Kaya naman lahat ng mall shows at events niya, suporta namin ito. Andiyan lagi ang Symply G to assist her,” sambit pa ni Mr. Marlon.

Bilang proof ng pagiging lucky charm ni Kai, nu’ng February 1, 2019, tumanggap ng anim na awards ang Symply G sa 39th People’s Choice Dangal ng Bayan Awards. Kinilala ito bilang Consumer’s Choice, Seal of Excellence, Gold Seal of Quality, Best Brand, People’s Choice: Corporate/Product at Consumer’s Quality.

Habang nakikilala sa market ang produkto, kinikilala rin ng iba’t ibang award-giving bodies ang husay ni Kyline bilang singer at aktres. Kamakailan lang, tumanggap na naman ang 16-year old Kapuso actress ng award bilang Promising Female Concert Performer of the Year sa 50th Box-Office Entertainm­ent Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarshi­p Foundation (GMMSF).

At masaya rin ang production staff ng Inagaw Na Bituin dahil simula nang umere ito noong February 11, humahataw na sa ratings game ang serye sa timeslot nito. Maliban sa soap, bahagi pa rin si Kyline ng Sunday PinaSaya at Studio 7 (with Julie Ann San Jose, Mark Bautista, Christian Bautista at iba pa) na napapanood tuwing Linggo ng tanghali at gabi, respective­ly, sa Sunday slot ng GMA Network.

 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines