Balita

‘Harapan 2019’, mainit, malaman, masaya

- Mercy Lejarde

NAPUYAT si Yours Truly noong Linggo ng gabi coz nakatutok ang eyes without shades sa Harapan 2019 senatorial debate ng ABS-CBN. In pernes, may tatlong M ang nasabing debate, ha?! As in mainit, malaman, at masaya ang format ng debate ng Kapamilya network.

Sa dami ng mga kandidato, minabuti ng ABS-CBN na hatiin sa tatlo ang debate. Tatlong grupo ng mga kandidato ang haharap sa bayan tuwing Linggo.

Dahil mas konti na ang bilang ng mga senatoriab­les kada debate, mas maraming oras ang nagugugol para masagot nila ang iba’t ibang isyu ng bansa. Mas nakikilala ng mga botante ang mga tumatakbo.

Kahit halos hatinggabi na, ‘di ka aantukin dahil maraming natatanong at ang huhusay din nila sumagot. Napakingga­n ko na rin magsalita ang mga hindi gaanong sikat na senatoriab­les.

Ipinakita sa debate ang ilan sa mga problema ng bansa, gaya ng mataas na presyo ng bilihin at kung dapat bang ibaba ang age of criminal liability sa mga bagets mula sa kasalukuya­ng 15 years old. Nakaaliw din ang fast talk version nina Karen

Davila at Alvin Elchico. May mga seryosong tanong at may mga nakakatuwa rin, gaya ng sinong bibigyan ni Chel Diokno ng salbabida, si Pangulong Rodrigo

Duterte ba o si dating Pangulaong Gloria Arroyo? Tinanong din si dating MMDA Chairman Francis

Tolentino kung sang-ayon ba siya sa paggawa ng batas laban sa pagbabalim­bing. Hindi rin nakaiwas si Pilo Hilbay sa tanong kung dapat managot si dating Pangulong Noynoy Aquino sa problema ng Dengvaxia.

Todo-palakpak, hiyawan, at suporta ang kanilang followers sa loob ng studio. Parang piyesta lang.

Kahit sa digital world, tumawid ang init ng suporta ng netizens kaya naging number one sa Twitter trending topics ang Harapan 2019 that night pa lang.

Bago pala pinalabas sa ABS-CBN ang debate, live na pinalabas ito sa DZMM TeleRadyo, DZMM Radyo Patrol 630, sa Facebook ng ABS-CBN News, at sa ANC o ABS-CBN News Channel sa SkyCable.

Kaya congratula­tions, Kapamilya, for a job well done! Magandang serbisyo publiko ang ginawa ng Kapamilya network hindi lang para sa lahat ng kandidato para maipaliwan­ag nila ang kanilang mga plataporma, kundi para sa mga tulad nating viewers na nag-iisip pa rin kung sino ang ilalagay natin sa ating mga balota.

Kaya abangan ang part 2 ng Harapan 2019 senatorial debates sa Linggo uli, okidoki?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines