Balita

‘That’s My Bae’ Joel, umaarangka­da ang career

- Lito T. Mañago

ANG That’s My Bae ng Eat Bulaga na si

Joel Palencia is fast making a name bilang isang solo performer. Regular siyang napapanood sa bagong Kapuso political romcom series na TODA One I Love bilang isa sa TODA Boys, na produced ng GMA Public Affairs.

Masaya at kuntento raw si Joel sa taping ng show dahil maganda ang working relationsh­ip niya with the rest of the cast, tulad ng mga bidang sina Kylie Padilla, Ruru Madrid at Kim Domingo.

“Since we started taping, ang ganda na ng samahan ng lahat. Nakatutuwa ‘yung malalaking artista kasi ang babait nila sa mga katulad naming baguhan pa. Sa totoo lang, hindi sila nakakailan­g kasama,” kuwento ni Joel nang minsang dumalaw kami sa set.

“Wala akong masasabi sa galing makisama nina Ruru at Kylie. Hindi lang sa ganda ng samahan sa set kami proud, pati sa mismong project. This is the first political rom-com on Philippine television,” sambit pa ni Joel.

Sobrang happy naman kami for this guy. Unti-unti na siyang gumagawa ng sarili niyang pangalan sa industriya. Marami na rin ang nakakapans­in sa kanya.

Kamakailan lang, kinuha siya ng SM at binigyan siya ng solo mall show.

Nu’ng una, sinubukan siya sa SM Pulilan. Surprising­ly, napuno ng tao ang entertainm­ent venue ng mall at sobrang naaliw ang mga tao dahil magaling kumanta at sumayaw si Joel.

Pagkaraan ng isang linggo, umapir naman siya sa SM Sangandaan for a follow-up show. Mas maraming tao ang dumating at todotili ang mga fans pagpasok pa lang niya sa venue.

Ang maganda sa budding actor, he remains unaffected. Kahit parami nang parami ang kanyang fans, he continues to be humble.

“Sobrang happy ako sa nangyayari ngayon sa career ko. Of course, nagpapasal­amat ako sa

Eat Bulaga dahil they opened the door for me. Sa kanila ko utang ang career ko.

“Salamat din sa mga taong nagmamalas­akit sa akin at nagpapayo. Kasama sila kung anuman ‘yung ine-enjoy kong career ngayon,” sabi pa ni Joel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines