Balita

Wax figure ni Diddy sa Madame Tussauds, pinugutan

-

INIIMBESTI­GAHAN na ng New York Police ang tungkol sa pagwasak ng wax figure ni Diddy.

Ayon sa ilang media report, isang hindi kilalang suspek – na mayroong galit sa rapper at music mogul (o kaya ay sa kanyang statue), na ang tunay na pangalan ay Sean Combs – ang sumira sa wax figure nito sa ninth floor ng iconic Madame Tussauds Wax Museum nitong Linggo, na nagresulta sa pagkaputol ng ulo ng figure, iniulat ng Entertainm­ent Tonight.

Patuloy pa rin umanong pinagsisir­a ng attacker, na iniulat na sinisigawa­n ang wax statue, ang figure kahit na putol na ang ulo nito, iniulat ng NBC affiliate sa New York .

Ang suspek ay inilarawan ng pulisya na isang white o Hispanic, nasa 20s o 30s ang edad, ayon sa Page Six. Nagkakahal­aga naman ng tinatayang $300,000 ang napinsala.

Mabilis namang tumakas ang attacker – na nakasuot ng itim na hoodie jacket at blue jeans – at lumabas sa museum bago pa man may makakita ng kanyang ginawa.

Nananatili pa ring malabo ang motibo ng pag-atake. Ang presyo para sa atraksiyon ay nagkakahal­aga ng $25 at $40, kaya naman mahal itong uri ng vandalism.

Ang wax ni Diddy ay idinispley sa Madame Tussauds Wax Museum noong December 2009. Ang figure, na nakasuot ng white tuxedo, ay ginaya mula sa hitsura ni Diddy sa isang advertisem­ent na ginawa niya para sa kanyang fragrance na I Am King noong 2008.

 ??  ?? Diddy
Diddy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines