Balita

WWII ‘Kissing Sailor’, pumanaw sa edad na 95

-

PUMANAW na nitong Linggo ang iconic na marino na nakuhanan ng litrato habang hinahalika­n ang isang babae sa Times Square bilang pagdiriwan­g sa katapusan ng World War II. Si George Mendonsa ay 95 taong gulang.

Natumba si George at nangisay sa assisted living facility sa Middletown, Rhode Island, kung saan siya nanirahan kasama ang kanyang asawa nang 70 taon, inihayag ng anak niyang si Sharon Molleur sa The Providence Journal.

Sa larawan ay makikitang hinahalika­n ni George si Greta Zimmer Friedman, isang dental assistant na nakasuot ng nurse’s uniform, noong Agosto 14, 1945 — na kilala bilang V-J Day, ang araw na sumuko ang Japan sa United States. At dahil dito ay nagkalat ang mga tao sa kalye ng New York City para ipagdiwang ang balita.

Hinalikan ni George si Greta, na hindi naman niya kilala.

Ang iconic photo ng halik, na kuha ni Alfred Eisenstaed­t, ay unang inilathala sa Life

magazine at tinawag itong “V-J Day in Times Square,” ngunit mas kilala sa taguring “The Kiss.”

Ang larawan ang isa sa mga pinakatany­ag noong 20th century.

Isa pang photograph­er, si Victor Jorgensen,

na nasa Navy, ang nakakuha ng parehong pangyayari. Ito ay naipalagan­ap at madalas na makita sa mga poster.

Kalaunan ay tinawag na ito ng publiko na kissing couple, at umabot ng taon para makumpirma­ng nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

Nagsilbi si George sa destroyer sa kalagitnaa­n ng digmaan at nasa leave siya nang ihayag na tapos na ang digmaan.

Nang bigyan naman siya ng karangalan sa Rhode Island State House noong 2015, ay ikinuwento ni George ang tungkol sa kiss. Aniya, si Greta raw ay nagpaalala sa kanya ng mga nurse sa hospital ship na nakita niyang nag-aalaga sa mga sugatang marino.

“I saw what those nurses did that day and now back in Times Square the war ends, a few drinks, so I grabbed the nurse,” lahad ni George, ulat ng WPRI-TV.

Sinabi naman ni Greta sa 2005 interview ng Veterans History Project na hindi naman niya ginustong mahalikan.

“The guy just came over and kissed or grabbed,” aniya sa Library of Congress. “It was just somebody really celebratin­g. But it wasn’t a romantic event.”

Binawian ng buhay si George dalawang araw bago ang kanyang 96th birthday.

Tumakas si Greta sa digmaan nang siya ay 15 taong gulang pa lamang. Pumanaw siya noong 2016 sa edad na 92 sa isang ospital sa Richmond, Virginia, mula sa mga komplikasy­on ng katandaan.

 ??  ?? Mendonsa at Friedman
Mendonsa at Friedman

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines