Balita

Queen, live sa Oscars

-

MAGTATANGH­AL nang live ang British rock band na Queen sa Oscars ceremony sa Linggo, inihayag ng mga organizer ng seremonya nitong Lunes, kasunod ng blockbuste­r success ng Best Picture nominee na Bohemian Rhapsody.

“Is this the real life? Is this just fantasy? We welcome @QueenWillR­ock and @ adamlamber­t to this year’s Oscars!,” post ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences sa Twitter.

Binubuo pa rin ang banda ng mga orihinal na miyembro na sina Brian

May at Roger Taylor, kasama ang dating American Idol star na si Adam

Lambert, na nakatoka sa vocals. Ang yumaong dating frontman ng banda ay si Freddie Mercury, na subject ng pelikulang Bohemian Rhapsody.

“Queen and @adamlamber­t will ROCK YOU,” tweet ng banda bilang tugon, at sa February 24 na ang Oscars ceremony sa Hollywood.

Ang Bohemian Rhapsody ay may limang Academy Award nomination­s, kabilang ang Best Actor nod para kay Rami Malek, na gumanap bilang si Freddie sa pelikula. Apatnapu’t limang taong gulang si Freddie nang bawian ng buhay dahil sa AIDS sa London noong 1991. Tumabo ang pelikula nang mahigit $854 million sa global box office kaya naman ito ang kinikilala ngayong most successful musical biopic sa kasaysayan. Hindi inihayag ng academy kung anong mga kanta ang itatanghal ng Queen o kung aakyat ba sila sa entablado sa telecast ng seremonya.

Hindi nominado ang Bohemian Rhapsody para sa mga kanta o soundtrack nito. Magkakaroo­n din ng musical performanc­e sa ceremony sina Lady Gaga at ang actor-director na si Bradley Cooper, at aawitin nila ang kanilang Oscar-nominated song na Shallow mula sa pelikulang A Star is Born, habang kakantahin naman ni Bette Midler ang isa pang best original song contender na The Place Where Lost Things Go mula sa pelikulang Mary Poppins

Returns.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines