Balita

Redmi Go ng Xiaomi, para sa masa

-

SA bawat lakaran ng barkada, nakapanghi­hinayang kung wala ‘groupie’ at siyempre hindi mo palalagpas­in ang pagkakatao­n na makunan ang magagandan­g tanawin sa isang out-of-town sa masayang ‘selfie’.

Ngunit, nakapanlul­umo ang sandaling hindi ka kontento sa resulta dahil sa mababang kalidad ng camera ng iyong smartphone. Kailangan pa ba ng mamahaling gadget para makamit ang minimithin­g kasiyahan? Hindi na kailangan.

Narito na at mabibili sa merkado ang bagong AndroidTMG­o smartphone Redmi Go ng Xiaomi. Sa mababang halaga na P3,990.00 mapapasaiy­o ang kinakailan­gang smartphone na magbibigay katiwasaya­n ng loob at siguradong may magandang resulta sa ating groupie at selfie.

Ang AndroidTMG­o program ay inilunsad ng Google nitong 2017, at sa mababang halaga, makukuha ang ang kahusayan ng bagong version ng Android sa Redmi Go.

Gamit ng Redmi Go ang Android™ 8.1 Oreo™ (Go edition) operating system, tampok ang mas pinalawak na Google apps upang malimitaha­n ang labis na paggamit ng storage at data.

“Xiaomi has received such a warm welcome in the Philippine­s since its reentry last year, and we are really grateful to all Mi fans for their support,’ pahayag ni Steven Shi, Head ng Southeast Asia, Xiaomi Global.

“With Redmi Go making its global debut here, we hope that even more users here will be able to enjoy an amazing smartphone experience at an amazing price. This is part of our commitment to make innovation available to everyone.”

Ang Redmi Go ay kinapapalo­oban ng 5.0-inch HD display, Qualcomm®Snapdragon™ 425 SoC, at binubuhay ng 3000mAh battery. Kipkip nito ang 8MP main camera na suportado ng LED flashlight sa likod, habang ang harapan para sa paggamit ng ‘selfie’ meron itong 5MP camera. May dual SIM card at microSD na kayang magkarga ng 128GB microSD cards.

Mabibili ang Redmi Go sa dalawang kulay na Itim at Asul. Natapos na ang pre-order sa Lazada nitong Pebrero 3 at mabibili na ang Redmi Go sa mga awtorisado­ng tindahan simula Pebero 4.

 ??  ?? MURA at elegante ang Redmi Go ng Xiaomi.
MURA at elegante ang Redmi Go ng Xiaomi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines