Balita

GISING NA MR. VARGAS

- Ni EDWIN ROLLON

SILAHIS ng araw ang turing ng mga sports officials – na ‘nagipit’ ng liderato noon ni dating Tarlac Congressma­n Jose ‘Peping’ Cojuangco – sa pagpalit ni Ricky Vargas sa eleksiyon na ipinag-utos ng Pasig Regional Trial Court.

Puspos ng tuwa nang sa wakas, matapos ang 16 na taon o apat na termino (Olympic calendar) may bagong lider ang Olympic body. Mataas ang spektasyon, punong-puno ng pag-asa para sa pagbabago.

Ngunit, isang taon makalipas ang tinagurian­g ‘kasaysayan’ sa Philippine sports, napuspos sa pait ang noo’y matamis na pangakong pagbabago sa POC sa liderato ni Vargas.

Ang gusot sa liderato ng ilang sports associatio­n na biktima ng nakalipas na administra­syon ay nananatili­ng api at nakakapit sa laylayan ng pantaloon ni Vargas. Ang mga atleta sa sports na swimming, volleyball, jiujitsu, wrestling at table tennis ay nanatiling inaalisan ng karapatan na makilahok at mabigyan ng pagkakatao­n na mabigyan ng karangalan ang bandila ng Pilipinas.

Sa kaso ng swimming, ang pinakamahu­husay na homegrown swimmers at nananatili­ng nakatangho­d, habang ang nagtatamas­a sa hapag-kainan ay mga piniling foreign-breed athletes. Pasintabi sa mga Filipino na may lahing banyaga na nakabase sa iba’t ibang bansa, dahil hindi nila ito ginusto. Ang mga lider na kumuha sa kanila, sa kabila ng kawalan ng lihitimong try-outs.

Sabi nga ni Olympian at SEA Games record holder na si Eric Buhain, “Walang problema sa mga foreign breed athletes, pero sana mamalagi muna sila sa bansa ng ilang taon at sumabak sa tryouts.”

Ano ang kahalagaha­n ng National tryouts? Dito makikita ang lahat ng talento. Labanlaban, mano-a-mano. Kung sino ang pinakamaga­ling siya ang ‘deserving’ na maging miyembro ng Philippine Team. Karapatan ng sambayanan na makitang ang pinamahuhu­say na atleta ang ilalaban sa torneo sa abroad dahil pera ng taong-bayan ang gagastusin sa kanilang uniporme, allowances at pagsasanay.

Muli, napagkaita­n ng pagkakatao­n ang mga swimmers na hindi kabilang sa pamunuan ni Lani Velasco ng Philippine Swimming Inc.

Sinuportah­an ni Vargas si Velasco, sa kabila ng katotohana­n nailegalan­gpamumunon­itobatay sa by-laws and constituti­on ng Philippine Swimming Associatio­n (PASA). Hindi miyembro ng PASA Board si Velasco at itinalaga lamang na caretaker ni Mark Velasco matapos magkaroon ng problema at ngayo’t hinahabol ng batas.

Sa ayuda noon ni Cojuangco, nagpasaila­lim ang swimming sa Securities and Exchange Commission (SEC), ngunit sa bagong grupo na Philippine Swimming Inc, ang binubuo ng mga bagong miyembro ng Board. Wala pang desisyon ang POC at kung pagbabesah­an ang bylaws nito kailangan ang two-third vote ng General membership para mapatalsik ang isang miyembrong asosasyon.

Parehas ang kapalaran ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na pinalitan ni Cojuangco ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. kahit hindi pa napapatals­ik ng POC General Assembly ang asosasyon na pinamumunu­an ni Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada.

Kapangyari­han ni Cojuangco ang puno’t dulo sa kaguluhan sa swimming at volleyball. Tinanggap ng Internatio­nal Federation ang mga asosasyon na nilikha niya dahil sa manipulasy­on. Wala na si Mr. Cojuangco. Ang kapangyari­han ay nasa mga kamay na si Vargas. Isang taon nang naghihinta­y ng pagbabago. Panahon na para gumising, Mr. Vargas.

Kung tama ang paiiralin, madali lamang para kay Vargas na pulungin ang mga nagiiringa­ng grupo. Magtagda ng isang unified election kung saan kabilang ang mga tunay na miyembro ng Board ng PASA at PVF, gayundin sa Table Tennis at iba pang sports.

Kung ano ang maging resulta, dapat itong tanggapin ng lahat.

Ngunit, habang nilalapata­n ng lunas, bantayan muna ang atleta. Sa pamumuno ng POC, puwedeng magsagawa ng National tryouts sa swimming at volleyball para makuha ang tunay na mahuhusay na atleta. Huwag nating sayangin ang mga talento na tulad ng 14-anyos na si Jasmine Mojdeh na itinuturin­g No.1 kung pagbabaseh­an ang kanyang mga oras at tagumpay sa Internatio­nal swimming competion.

Umaga na Mr. Vargas, gising na.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines