Balita

OFW, MINO-MONITOR SA MERS

Emergency room ng Laguna hospital, isinara

- Nina ANALOU DE VERA at MARY ANN SANTIAGO

Pansamatal­ang isinara ang emergency room ng Laguna Doctors Hospital sa Sta. Cruz, Laguna kahapon, dahil sa hinihinala­ng kaso ng Middle East Respirator­y Syndrome (MERS).

Ayon kay Glenn Ramos, tagapagsal­ita ng Department of Health (DoH) Calabarzon, wala pang kumpirmasy­on kung positibo nga sa nakahahawa­ng sakit ang lalaking pasyente, 47, overseas Filipino worker (OFW) mula sa Kingdom of Saudi Arabia, at taga-Sta. Cruz, Laguna.

“Meron nagpa-check up doon na galing ng abroad sa UAE (United Arab Emirates) nagpa check up s’ya, may signs and symptoms ng MERS,” pahayag ni Ramos sa isang phone interview sa BALITA.

Nilinaw naman ng opisyal na ang temporary closure ng ER ng ospital ay para linisin ang pasilidad bilang bahagi na rin ng precaution­ary measure.

“Hindi naman nagsara ‘yung ospital, yung emergency room kung saan s’ya nagpacheck-up lilinisan lang nila iyon as precaution­ary measure,” ani Ramos.

Iginiit din niya na hindi dapat magpanic ang publiko lalo’t “suspected” pa lamang ang kaso.

Sa kaling magpositib­o, ito ang unang kaso ng MERS na maitatala sa Pilipinas.

Sa panayam naman sa radyo kay DoH-Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo, sinabi niyang under observatio­n na rin ang pamilya at hospital staff na nagkaroon ng close contact sa pasyente.

“Under observatio­n sila. Sila ngayon ang binabantay­an in any case magkaroon sila ng pneumonia or respirator­y disease ay kailangan isolate agad,” aniya.

Ikinokonsi­dera na, aniyang, “under control” ang sitwasyon, dahil nasa isolation na ang OFW sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.

“Fina-follow up natin kung nakuhan na ng specimen para ma-sure natin kung sya ay MERS-CoV na sakit,” ani Janairo.

Samantala, sa isang text message, sinabi ng DoH-Central office sa Manila na bineberipi­ka pa ng Epidemiolo­gy Bureau ang kaso.

Ayon sa DoH, ang mga pasyente na apektado ng sakit ay maaaring makaranas ng severe acute respirator­y illness na may sintomas ng lagnat, ubo at hirap sa paghinga.

Nagpaalala rin ang ahensya sa publiko na agad magpakonsu­lta kung nakararana­s ng mga sintomas, lalo na ang mga Pilipino na nagtatraba­ho sa Saudi Arabia at sa mga bansa sa Middle East.

 ?? ALI VICOY ?? Nagsuot ng facemask ang isa sa mga bumisita sa Laguna Doctors Hospital kahapon, matapos na pansamanta­lang isara ang emergency room ng ospital dahil sa hinihinala­ng kaso ng Middle East Respirator­y Syndrome (MERS). NAG-IINGAT SA MERS
ALI VICOY Nagsuot ng facemask ang isa sa mga bumisita sa Laguna Doctors Hospital kahapon, matapos na pansamanta­lang isara ang emergency room ng ospital dahil sa hinihinala­ng kaso ng Middle East Respirator­y Syndrome (MERS). NAG-IINGAT SA MERS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines