Balita

50-anyos patay, 14 sugatan sa truck vs jeep

- Niño N. Luces

CAMP OLA, Albay – Isang 50anyos na babae ang nasawi habang 14 iba pa ang nasugatan nang salpukin ng isang dump truck ang isang pampasaher­ong jeep sa Barangay Libod, Camalig, Albay, nitong Martes ng umaga.

Sa panayam, kinilala ni Albay Police Provincial Office spokespers­on Mayvell Gonzales, ang nasawi na si Imelda Loquis, ng Bgy. Flores, Pioduran ng naturang lalawigan.

Aniya, binawian ng buhay si Loquis habang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Labing-apat din ang isinugod sa ospital matapos silang masugatan sa insidente.

Ang mga ito ay nakilalang sina Rodrigo Briones, 61, driver ng pampasaher­ong jeep, ng Calzada, Ligao City; Romnick Fulay, 31, ng Our Lady’s Village, Bgy. Bitano, Legazpi City; Rotceh Olivera, 20, ng San Rafael, Guinobatan, Albay; Aljon Loquis, 22; Alexander Loquis, pawang taga-Bgy. Flores, Pioduran;

Renato Rendeza, 50; Sonny Gado, 35; Ramil Aberos, 50; Vicente Dimasayao, 45, pawang taga-Bgy. Pinit, Ligao City; Catherine Arandia, 30, Carla Arandia, 5; Carl Justine Arandia, 12; Dante Borila, 48; ng Camarines Sur at driver ng truck; Aleah Mae Ejercito, 7; at Darlyna Munda, pawang taga-Libod, Camalig, Albay.

Sa report, binabagtas ng jeep ang national highway jeep patungong Guinobatan town proper ng Camalig, lulan si Loquis at iba pang mga pasahero nang maganap ang insidente sa Bgy. Libod, dakong 11:30 ng umaga.

Sinabi ng mga awtoridad, nahulog ang mga pasahero sa creek nang salpukin ito ng truck na minamaneho ni Borila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines