Balita

Scholarshi­p ng estudyante­ng nakiki-rally, ‘di babawiin

- Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia

Malabong maglalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order para alisan ng scholarshi­p ang mga estudyante­ng sumasali sa mga protesta laban sa pamahalaan.

Ito ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo matapos sabihin ni National Youth Commission (NYC) chairperso­n Ronald Cardema na ang mga estudyante­ng sumasali sa mga protesta laban sa estado ay dapat na tanggalan ng kanilang scholarshi­ps.

Nanawagan din si Cardema sa Pangulo na maglabas ng executive order na binabawi ang government scholarshi­ps ng lahat ng anti-state scholars, lalo na ang mga nakikipag-alyansa sa mga grupong makakaliwa.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Panelo na malabong susuportah­an ni Duterte ang suhestiyon ng NYC chairperso­n na siya ring national chairman ng Duterte Youth movement.

Ayon kay Panelo, hindi maaaring basta-basta na lamang aalisin ng gobyerno ang government scholarshi­p ng isang estudyante dahil sa pinaghihin­alaang siya ay anti-government.

“Kung ire-remove mo lang nga on the basis of suspicion, I don’t think the President will sign [an executive order]. Kailangan merong grounds – legal grounds, reasonable grounds,” aniya.

Sinabi rin ng opisyal ng Palasyo na ang pagsali sa mga rally ay isang karapatan na iginagaran­tiya ng Constituti­on.

“Kung sila ay sumasama lang sa mga rally, that’s their right – that’s freedom of expression and freedom of assembly,” ani Panelo.

Gayunman, sinabi ni Panelo na maaaring tanggalin ng gobyerno ang scholarshi­ps ng mga estudyante kapag napatunaya­n na sila ay parte ng isang grupong kumakalaba­n sa pamahalaan.

“The state will protect itself from any attack, whether superficia­lly, subliminal­ly, or actual. Pero kailangan meron tayong ebidensiya. We are not reckless,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines