Balita

Jordanian at Pinay live-in partner, tiklo sa illegal recruitmen­t

- Jeffrey G. Damicog

Inaresto ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang isang Jordanian at Pinay nitong live-in partner nang biktimahin ang 100 katao sa pangakong magkakaroo­n ng trabaho sa Dubai.

Kinilala ni NBI spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin ang mga suspek na sina Ali Moh Khalil Tarrish at Myrla Olor.

Kapwa sila dinampot ng NBI’s Internatio­nal Airport Investigat­ion Division (NBI-IAID) sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Terminal 3 habang hinihintay ang flight pa-Davao upang makaiwas sa pag-aresto, nitong Lunes.

Ayon kay Lavin, ang pag-aresto kina Tarrish at Olor ito ay kasunod ng pagaresto sa kanilang kasabwat, si Conchita Paculba, sa entrapment operation.

Samantala, tinutugis ng NBI ang dalawa pang kasabwat ng mga suspek na kinilalang sina Virginia Adling at Mel Madera.

Dagdag ni Lavin, isinampa na ang mga kaso laban sa limang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office para sa large scale illegal recruitmen­t na paglabag sa Migrant Filipino Workers Act of 1995, at estafa sa ilalim ng Article 315 par (2) ng Revised Penal Code.

Isinagawa ang pag-aresto base sa mga reklamong inihain ng 100 nilang biktima sa NBI.

Ayon kay Lavin, aabot sa P4 milyon ang nakuha ng mga suspek sa mga biktima, na ang bawat isa ay pinagbayad ng placement at processing fees na P25,000 hanggang P32,000.

Pinangakua­n ang mga biktima ng trabaho sa Dubai bilang tagalinis, waitress, delivery boy, janitor at drivers.

Itinakda ng mga suspek ang kanikanila­ng pag-alis, ngunit bigo dahil sa iba’t ibang palusot.

Naberipika rin ng NBI sa Philippine Overseas Employment Administra­tion (POEA) na ang mga suspek ay hindi lisensiyad­o at awtorisado­ng mag-recruit ng mga manggagawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines