Balita

2 drug watchlist, dinampot sa pot session

- Bella Gamotea

Arestado ang dalawang nasa watchlist nang mahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga sa loob ng barung-barong sa Pasay City, kamakalawa.

Nakakulong sa Pasay City Police sina Loreto Lepalem y Lafranngo, alyas Loreto, 55, ng No. 808 San Roque Street, Barangay 141, Zone 15, Pasay City; at George Oliver Timban y Begildo, alyas Gio, 31, miyembro ng Batang City Jail, ng No. 641 Gamban Riverside, Bgy. 143, Zone 15 sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Senior Insp. John Wendell Siarez, commander ng Police Community Precinct (PCP) Central Park, nadakip ang mga suspek sa gitna ng pot session sa loob ng bahay ni Timban, bandang 3:00 ng hapon.

Unang nakatangga­p ng tawag ang presinto mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap na pot session sa bahay ni Timban kaya agad inatasan ni Senior Insp. Siarez ang kanyang mga tauhan na sina PO3 Cedrick Ray Pagorogon, PO1s Dexie S. Licudine, Roderick Ortiz at Jerald Palisoc na beripikahi­n ang report.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang posasan ng mga pulis at nakumpiska ang isang bukas na pakete ng umano’y shabu at drug parapherna­lia.

Idiniretso ang mga suspek at ebidensiya sa tanggapan ng Station Drug Enforcemen­t Team (SDET) para sa kaukulang imbestigas­yon at dokumentas­yon.

Paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang ikakaso laban kina Lepalem at Timban.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines