Balita

Iloilo solon, sinuspinde sa graft

- Ni CZARINA NICOLE O. ONG

Iniutos ng Sandiganba­yan na suspendihi­n ng 90 araw si Iloilo 2nd District Rep. Arcadio Gorriceta na dating alkalde ng Pavia, Iloilo, kaugnay ng kinakahara­p na kasong graft.

Ang kautusang inilabas ng 4th Division ng anti-graft court nitong Enero 23 ngunit kahapon lamang isinapubli­ko.

"The mandatory preventive suspension under the law is to prevent further acts of malfeasanc­e while in the office, the intimidati­on of witnesses, and the possibilit­y of tampering with documentar­y evidence," ang bahagi ng kautusan ng korte.

Ang kaso ay nag-ugat nang labagin umano ng kongresist­a ang Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) dahil sa umano’y maanomalya­ng pagbibigay ng halos P1 milyong pondo sa non-government organizati­on (NGO) na Tagipusuon Foundation, Inc. na kinakatawa­n nina Corazon Taladua at Timoteo Tomas Salvilla, noong 2004.

Si Gorriceta ay alkalde pa ng Pavia nang maganap ang anomaly.

Ang nasabing pondo ay bahagi ng P5 milyong Countrywid­e Developmen­t Fund (CDF) ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco, Jr, na nakalaan para sa Education for All Program ng nabanggit na bayan.

Bukod sa nasabing mambabatas, kasama rin sa kinasuhan sina dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco Jr., municipal accountant Eufemia Jamerlan, at municipal treasurer Edwin Elumba.

Kinasuhan din sina Taladua at Salvilla.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines