Balita

Kaso vs Iranian na gumulpi ng pulis, binawi

- Aaron Recuenco

Dahil na rin sa matinding awa at natuklasan­g may sakit sa pag-iisip, binawi na ng isang bagitong pulis ang kasong isasampa sana nito laban sa isang babaing turistang Iranian na nambugbog sa kanya at namaso pa ng lighter sa Pueto Galera, Oriental Mindoro, nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon kay PO2 Ferr Henrick Mangarin, sapat na ang lahat ng kanyang natuklasan sa pagkatao ni Fereteh Najafi Marbouyeh, 31, upang hindi na nito ituloy ang demanda.

Inaresto ang nasabing turista bunsod na rin ng reklamo ng mga residente nang paginitan nito ang lahat ng tao sa tinutuluya­ng lugar sa Bgy. Sto. Niño.

Inamin aniya sa kanya ng mga magulang ng turista na may diprensiya sa pag-iisip ang kanilang anak kaya ito nagwawala.

“The victim, PO2 Mangarin, upon knowing the Iranian's condition from both the Municipal Health Officer and her friend, thru humanitari­an considerat­ion as a parent and an officer, executed an Affidavit of Disinteres­t to file a case,” pahayag naman Supt. Socrates Faltado, tagapagsal­ita ng MIMAROPA (Mindoro Occidental and Oriental, Marinduque, Romblon and Palawan) regional police.

Aniya, isasalang na sana ang turista sa inquest proceeding­s nitong Martes ngunit kinansela na lamang ito dahil na rin sa pag-urong ni Mangarin na maisampa ang kaso.

Sa ulat, naalarma ang mga pulis na nagbabanta­y sa turista nang makitang maraming sugat ang kamay nito kaya’t agad nila itong dinala nila sa Puerto Galera Municipal Health Office.

“Based on the doctor’s findings, he said that the suspect was suffering from a Bipolar 1 Disorder. The doctor also treated the contusions and hematoma in her hands and arms,” ayon pa kay Faltado.

Aminado naman ang mga magulang nito na ipinagamot na nila ang kanilang anak sa Iran, noong Marso ng nakaraang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines