Balita

Pagdiriwan­g ng ‘Heart Month’ sa Central Luzon

-

PINANGUNAH­AN ng Department of Health (DoH) regional office ng Pampanga nitong Lunes ang pagdiriwan­g ng “Heart Month”, bilang bahagi ng pagsisikap na maipagpatu­loy ang pagbabahag­i ng kaalaman hinggil sa pag-iwas at pag-control sa mga non-communicab­le o lifestyle-related na mga sakit.

Sa temang, “Mahalin ang Pusong Nagmamahal: Mag-healthy lifestyle na,” tinalakay ni Dr. Cindy Canlas, medical coordinato­r ng DoH Central Luzon Non-Communicab­le Diseases Cluster, ang malusog na pamumuhay upang ma-kontrol at maiwasan ang mga cardiovasc­ular na mga sakit katulad ng diabetes mellitus, lahat ng uri ng cancer, at mga chronic obstructiv­e pulmonary disease.

“The month-long celebratio­n will promote active participat­ion of and gain support among individual­s from various sectors, government and non-government organizati­ons,” pagbababah­agi ni Canlas.

Tinalakay din niya ang DoH Hypertensi­on and Diabetes Club, na isang scaled-up project ng ahensiya upang maisulong ang kampanya na maiwasan ang mga hindi nakahahawa­ng sakit.

Nagsisilbi ring support group ang DoH Hypertensi­on and Diabetes Club sa komunidad para sa pagbabahag­i ng mga impormasyo­n at upang masiguro ang tamang pamamahala na maibibigay sa mga pasyente.

Upang maging bahagi ng DoH Hypertensi­on and Diabetes Club, aniya, kinakailan­gan ng mga kliyente na magpakonsu­lta sa pinakamala­pit na health center o primary health care facility upang sumailalim sa pagsusuri, gamit ang protocol ng Philippine Package of Essential NCD Interventi­on (PhilPEN).

“Once the patient is diagnosed to have hypertensi­on and/or diabetes, he/she will be enrolled to the club,” ani Canlas.

“Members can access DoH drugs for hypertensi­on like Losartan, Amlodipine, Metoprolol and for diabetes such as Metformin. They will also benefit from activities promoting healthy lifestyle,” paliwanag pa niya.

Matapos ang pagtatalak­ay, isang zumba dance ang isinunod upang maisulong naman ang “Go4Health”, na banner program ng DoH na may apat na pundasyon— Go Smoke Free. Go Slow sa Tagay. Go Sustansya. Go Sigla.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines