Balita

Matinong pulitiko

- Erik Espina

HALOS tatlong taon na ang nagdaan sa administra­syon ni Pangulong Rodrigo Duterte at patuloy pa rin niyang ginagampan­an ang naging pangako niya sa kampanya hinggil sa pagbaka kontra kurapsyon. Magugunita na kaakibat ito sa naging

plataporma-de-gobyerno ni Mayor Digong, kasama ang pagpigil sa droga, krimen, at iba pa.

Halos pitong opisyal na mula sa sangay Ehekutibo ang sinipa ni Pangulong Duterte dahil nga sa nilabag ng mga ito mahigpit na utos niyang kahit “amoy ng pangunguli­mbat” ay patatalsik­in niya. Ito ang tinagurian kong “durian test”, isang sikat na prutas ng Davao na may kakaibang amoy. Ang durian ay maihahalin­tulad sa kurapsyon. Kahit itago pa nang maigi, at hindi nasisipat ng mata, aalingasaw din talaga ang kaantutan nito. Ilan sa mga pinalayas ni Digong ay kaklase, fraternity brod, at nangampany­a para sa kanya. Pinatotoha­nan niya na

wala siyang sasantuhin, kahit kaibigan pang matalik.

Noong nagdaang dalawang linggo sa pagpapasin­aya ng ospital sa Malabon, payo ni Duterte sa kanyang mga tagasuport­a, pati sa buong sambayanan, na sa darating na halalan ay iboto ang mga pulitikong matitino. Ibig sabihin, walang bahid at amoy ng “graft and corruption”. At iwasan ang mga “drug lords”. Nais ng Presidente na tulungan natin siya, pati ang ating mga sarili na makamtan ang malinis na gobyerno mula sa lokal na pamamahala hanggang Kongreso.

Wika ni Duterte, 98% ng ating mamamayan ay mahirap kahit na mayaman ang ating bansa. Ganito ang

malungkot na realidad dahil nga sa matinding suliranin ng kurapsyon. Tumpak ang pananaw ng ating Presidente. Maraming mga pulitiko na mukhang “matino” kapag kaharap ang sambayanan, media, at iba pa. Maraming matalino, may abilidad, magaling magsalita at magpatawa, sikat man o hindi, galing sa kilala o mayamang angkan o pangkarani­wan, subalit, isa lang ang kailangang maging pamantayan ng ating pagboto: Matino ba ang pulitikong humihingi ng tulong? O baka gayak busilak lang pala, pero maitim ang hangarin at nangangati ang kamay para sa tongpats, komisyon, at pagnanakaw sa salapi ni Juan de la Cruz?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines