Balita

Lauren, never pang naintriga

- Ni NORA V. CALDERON

ISA sa mga mahuhusay na young kontrabida­s ngayon si Lauren Young, pero bakit nga ba hindi siya naiintriga na dala niya sa set ang kanyang character, bonus pa ang sinasabi ng production staff na mahusay na, ay mabait pa siya.

Natawa kami sa sagot niya na “binabayara­n ko sila para hindi nila ako siraan, charot!”

“Bakit naman kasi ako magmamaldi­ta lalo na sa production staff,” nakangitin­g wika ni Lauren. “I love my work, I love what I’m doing at lagi kong ipinagpapa­salamat na may trabaho ako. Sabi ko nga, tinanggap mo ang work na ibinigay sa iyo, ipagpasala­mat mo dahil hindi lahat ng artista nabibigyan ng ganoong chance.

“Kapag masungit ka, mawawalan ka ng trabaho. Dapat ka pa bang magreklamo sa blessings na ibinibigay sa iyo, mayroon kang air-conditione­d tent, libre ang food, saka tinanggap mo ang work, nasa contract mo iyon kaya you should deliver, ang ganda-ganda ng trabaho namin. Kung halimbawa, inabot ka ng the next day na nagtatraba­ho at hindi ka nakatulog, bakit ka magrerekla­mo, pewede namang matulog paguwi mo pagkatapos ng taping. Kaya I’m really thankful sa GMA Network dahil hindi ako nawawalan ng trabaho. After ng ‘Contessa’, nagpunta pa ako ng Korea to shoot some a scene in a Koreanovel­a with Ejay Falcon,

at ngayon, my new project, itong ‘Hiram

Na Anak’.”

Kontrabida uli si Lauren as Dessa sa teleserye na idinidirek ni Gil Tejada na ikinatuwa ng actress dahil first time niyang makakatrab­aho ang direktor at first time din nilang magkakasam­a ni Yasmien Kurdi. Si Dion Ignacio naman ay nakatrabah­o na sa Marimar ng sister niyang si Megan Young.

Love triangle naman sila sa serye nina Empress Schuck at Paolo Contis.

Non-showbiz ang boyfriend ni Lauren. Kahit wala na sila ng dating boyfriend na si Elmo Magalona, si Pia Magalona pa rin ang manager niya. Seven years na sila at thankful siya kay Pia dahil laging magaganda ang projects na nakukuha nito para sa kanya.

Sa Monday, February 28, ang premiere telecast ng Hiram Na Anak sa morning time slot, 11:30 AM bago ang Eat Bulaga sa GMA 7.

 ??  ?? Lauren
Lauren

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines