Balita

Yasmien Yasmien, pressured sa ‘Hiram na Anak’ Bianca at Miguel, bagay sa role ng Badjao

- Ni NORA V. CALDERON Ni NITZ MIRALLES

MA S bumagay kay Yasmien Kurdi ang pagbaba ng timbang niya dahil pinagsabay niya ang studies at pagte-taping ng bago niyang teleserye. Noong una kasi, after ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, nag-decide si Yasmien na huwag munang tumanggap ng bagong project dahil matagal din bago natapos ang serye, at gusto muna niyang magpahinga at ituloy ang studies niya para magtapos bilang teacher.

“Pero hindi ko po natanggiha­n nang ibigay nila sa akin itong Hiram Na Anak,” sabi ni Yasmien sa media conference ng serye. “Tungkol muli sa anak at malapit sa puso ko ang mga ganitong story, kaya pumayag akong gawin ito. Bago rin ang mga kasama ko rito at balik-tambalan kami ng co-StarStruck batch 1 kong si Dion Ignacio, after 10 years, at si Director Gil Tejada Jr. muli ang nagha-handle.

“Pero ang isa ko pang ikinape-pressure ay dahil first time kong gagawa ng teleserye para sa morning slot. Mapapanood kami at 11:30 am, bago ang Eat Bulaga, starting on Monday, February 25. Nasanay kasi ako sa afternoon primetime ng GMA, pero okay lang, kahit saang slot, kapag maganda ang project, papanoorin ito ng mga televiewer­s.”

Batay sa full-trailer na ipinakita noong mediacon, punumpuno ng drama, pisikalan at magagandan­g dialogues ang serye na nagtampok din kina Paolo Contis, Lauren Young, Empress Shuck, Rita Avila, Vaness del Moral, Sef Cadayona, Maey Bautista at ang mahusay na child star na si Leanne Bautista. Head writer ng serye si Gina Marissa Tagasa.

Samantala, after niyang maisumite ang kanyang thesis at makapasa, inaasikaso na rin ni Yasmien ang ilan pang isa-submit na requiremen­ts para sa graduation nila sa April 6, 2019 sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC).

Naipa-block-off na rin ni Yasmien ang graduation date nila dahil kapag Saturday ay may taping sila ng Hiram Na Anak. Sa Angeles, Pampanga ang location set ng serye.

EXCITED na ang Kapuso viewers sa airing ng Sahaya na tungkol sa buhay ng mga Badjao lalo na at may ipinalabas nang teaser ang GMA-7. Tunog ng kulintang pa lang ang naririnig sa teaser pero may impact na agad ito sa viewers.

Title role si Bianca Umali at kapareha niya love team niyang si Miguel Tanfelix, na gaganap din bilang isang Badjao. May mga nakita na kaming picture ng dalawa online at in fairness, bagay sa dalawa ang kanilang role. Hindi na sila kailangang paitimim dahil parehong moreno ang dalawa.

Nagpunta pa sa Tawi-Tawi ang head writer na si Suzette Doctoloero para magresearc­h sa buhay, kultura at lahat ng may kinalaman sa pamumuhay ng mga Badjao. Sinamahan siya ng creative team ng Sahaya at maganda ang resulta ng pagpunta nila roon.

May nakita rin kaming picture nina Bianca at Miguel sa kanilang dance workshop at nakakatuwa dahil kahit dance workshop pa lang, nakasuot na sila ng kasuotan ng mga Badjao.

Sa direksyon ni Zig Dulay, sa second week na ng March mapapanood ang Sahaya na kapalit ng Onanay. Malaki rin ang cast ng epic serye na kinabibila­ngan nina Jasmine Curtis at Gil Cuerva na gaganap bilang batang Mylene Dizon at Zoren Legaspi.

 ??  ??
 ??  ?? Bianca at Miguel
Bianca at Miguel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines