Balita

Direk Jerry Sineneng, magaang katrabaho Direk Jerry

- Mercy Lejarde

SA grand mediacon ng Familia Blondina ay natanong ni Yours Truly ang direktor ng pelikula na si Jerry Lopez Sineneng kung ano ang persona niya bilang movie director, kasi nadinig namin na masayahin siya on-and-off camera.

“Yes, tama ‘yon. Masayahin ako. Before ako naging director, staff ako for ten years nina Direk

Marilou (Diaz-Abaya), Direk

Lino (Brocka), Direk Ishma (Ishmael Bernal), Direk Chito Roño.

“Nu’ng mga panahon na ‘yon, bilang tao, kapag ang director mo ay tipong terror, ang hirap magisip, lalo na kapag tinatawag pa lang ang pangalan ko, umiikot na talaga ‘yung t*mbong ko, eh, wala naman pala.

“Kaya nang maging director ako, sabi ko sa sarili, huwag natin pairalin ang pagtataray, pagmumura sa set para magaan ang lahat magtrabaho. Kasi minsan kapag ganu’n nakakasama ng loob.

“Dito sa Familia Blondina, ‘pag may mali ang isang artista kinakausap ko nang maayos na one on one. Although minsan magagalit ka rin kapag pang-apat na ‘yung take, kaya maayos ko namang kinakausap, tinuturuan, na ‘next time don’t do it anymore’, ganu’n.

“At siyempre, nagpapataw­a, kaya masaya kami lagi. Ayoko ng may sumasama ang loob sa akin. Gusto ko lahat kami may good vibes sa isa’t isa,” mahabang litanya ni Direk Jerry na ewan kung may konek sa pamilya Lopez ng ABSCBN.

“At saka ‘di ba, Direk, pinag-usapan natin na dapat maging masaya lang tayo sa set,” sabad ng bida sa pelikula na si Karla Estrada.

“Saka kami ng cast ng Familia Blondina, pinag-usapan namin na dapat hindi maghigh blood ang aming director kasi kapag ganu’n, hindi agad natatapos ‘yung movie na ginagawa naming. Andu’n ‘yung siyempre nade-delay, kasi nga, meron fear ang isang artista na kapag ang director ay umayaw sa iyo… pero nakapagump­isa ka na, ang daming nasayang na oras, ‘di ba? ‘Yung oras, panahon, salapi, effort, sayang kung mababalewa­la lang.

“So talagang sa set ng Familia Blondina, we made sure na maging masaya lang ang lahat kahit anong oras kami matapos at pagkatapos nu’n, tawanan, goodbye, ganu’n, ganu’n,” sabi pa ni Karla.

So shall we say, move a little over Ms. Ai Ai delas Alas, Pokwang at Eugene Domingo at enter….Karla Estrada as the newest Comedy Queen sa showbiz or movie world?

Tampok din sa pelikula sina Jobert Austria, Marco Gallo, Kira Belinger, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo at Awra Briguela mula sa production ng Arctic Sky to be distribute­d by Cinescreen at sa direksiyon nga ng masayahing si Direk Jerry Lopez Sineneng. ‘Yun na!

Showing na ang Familia a Blondina this coming Feb. 27 sa lahat ng sinehan sa buong bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines