Balita

Miado, kumpiyansa sa rematch kay Dejdamrong

-

Sa muling paghaharap, asahan ang walang humpay na aksiyon sa pagitan nina Jeremy “The Jaguar” Miado at Dejdamrong Sor Amnuaysiri­choke sa ONE Championsh­ip sa ONE: CALL TO GREATNESS sa Biyernes sa Singapore Indoor Stadium.

Naka-81 segundo lamang si Miado nang matalo niya si “Kru Rong” sa kanilang unang paghaharap.

“You can expect that this will be an exciting match between two skilled strikers, and we’ll show who the best striker is in our division,” sabi ng 26 anyos. “I believe that it will happen if I get the win against Dej.”

Sa kabila ng kanyang knockout na panalo, naging usap-usapan pa rin si Miado na suwerte lamang siya nang matalo ang Muay Thai legend sa harap ng kanyang mga kababayan.

Kaya naman hindi na nagdalawan­g isip pa si Miado para sa rematch dahil ito ang perpektong opurtunida­d para sa kanya upang patunayan na hindi suwerte ang unang panalo.

“Some people are saying it was a lucky shot, that I just got the timing right. I don’t want to defend myself from them. I understand why they think that, which is why I readily accepted this rematch,” aniya.

“They are entitled to their opinions, but for me, whenever I have an upcoming match, I prepare for it to the best of my abilities to show what I can do. That’s how I have always been – win or lose, I give my everything out there.”

Ang pangalawan­g panalo laban sa Muay Thai World Champion ay siguradong maglalagay kay Miado sa tuktok ng division.

Pero hindi pa iyon ang iniisip ni Miado dahil maliban sa gusto niyang makuha ang ONE Strawweigh­t World Title, alam niyang kailangan niyang mag-focus sa darating niyang rematch sa Singapore sa Biyernes.

“Hopefully, I get to compete against one of the top contenders for the World Title, but right now, I’m only focused on my match against Dej,” sabi niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines