Balita

MATUTO TAYO!

Kaalaman sa anti-doping rules, sentro ng PHINADO at SEARADO seminars/meeting

- Ni EDWIN G. ROLLON

RESPONSIBI­LIDAD ng mga coach, officials at mismong mga atleta na pag-aralan at suriin ang mga nilalaman ng medisina, food supplement at energy drinks bago mahuli ang pagsisisi.

“Lahat tayo responsibi­lidad natin ito dahil isang pagkakamal­i malaking kasiraan para sa atleta,” pahayag ni Dr. Alejandro Pineda, project director ng Philippine National Anti-Doping Organizati­on (PHINADO).

“On our part since the formation of PHINADO in 1991 we’re already conduct seminars and trainings for informatio­n disseminat­ion. Kailangan talaga continue ‘yung pag-aaral regarding sa doping dahil every year nadadagdag­an ‘yung mga drugs na ipinagbaba­wal ng World AntiDoping Associatio­n,” sambit ni Dr. Alejandro.

Sa pakikipagt­ulungan ng Philippine Sports Commision (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, isinagawa ng PHINADO ang Doping Control Officer Training Course simula kahapon, gayundin ang Board meeting kasama ang mga kinatawan ng WADA at Southeast Asian Region Anti-Doping Organizati­on (SEARADO).

“For more awareness in the issues and regulation­s of doping control in sports,” pahayag ni Alehandro.

Iginiit ni Ramirez ang kahalagan ng PHINADO upang maturuan at mapaalalah­an ang mga atleta, officials at coach sa masamang epekto ng kakulangan sa edukasyon hingil sa anti-doping regulation.

Ilang Pinoy athletes na rin ang nasabit sa isyu ng doping, kabilang si basketball star Kiefer Ravena na napatawan ng six-month ban ng FIBA (Internatio­nal Basketball Federation) matapos magpositib­o sa ipinagbaba­wal na medisina na napagalama­ng nakuha niya sa ininom na energy drinks.

“We really need to educate our athletes and coaches. Marming energy drinks ang available over the counter. Huwag magkumpiya­nsa basahin angnutriti­on facts sa lavel. Better, never take anything na hindi prescribed ng doctors and nutritioni­sts,” pahayag ni Ramirez.

“We spent millions on building new sports centers, funding sports associatio­ns program. But the issue in anti-doping is also an important part in sports developmen­t. Meron naman tayong pondo, palakasin natin ang programa dyan. We support PHINADO’s effort,” pahayag ni Ramirez.

Sa isinagawan­g media fellowship nitong Martes, ipinahayag ni SEARADO Director General Gobinathan Nair, ang kahalagaha­n ng training seminars upang maihanda ang PHINADO sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Nasa bansa rin para maging resource speakers sa tatlong araw na training seminars sina Kazuhiro Hayashi, World Anti-Doping Associatio­n Director for Asia and Oceania; Director for Program Developmen­t and NADO/RADO Relations Tom May, SEARADO Chairman Patrick Goh, at Filipino Sports Medicine specialist Dr. Jose Raul Canlas.

Mahigit 20 doktor, nurse at individual na may kinalaman sa aspetong medical ang nakibahagi sa Doping Control Officer Training Course

 ??  ?? Nagbigay ng kani-kanilang mensahe sina PSC Chairman William Ramirez (kaliwa) at kinatawan ng PHINADO, sa pangunguna ni Dr. Alejandro Pineda (ibaba).
Nagbigay ng kani-kanilang mensahe sina PSC Chairman William Ramirez (kaliwa) at kinatawan ng PHINADO, sa pangunguna ni Dr. Alejandro Pineda (ibaba).
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines