Balita

Wala pa sa isip

- Bert de Guzman

PARA kay Vice Pres. Leni Robredo, wala pa sa kanyang isip ang pagtakbo sa pagkapangu­lo sa 2022. Ang pahayag ay ginawa ni Robredo kasunod ng mga report na si Davao City Mayor Sara Duterte ay hinihikaya­t na tumakbo sa panguluhan kapalit ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Si VP Leni ngayon ang chairperso­n ng Liberal Party (LP) samantalan­g si Sen. Francis Pangilinan ang pangulo ng LP. Walo ang kandidato sa pagka-senador ng oposisyong LP na kung tawagin ay

OTSO DIRETSO. Sila ay sina Mar Roxas, Bam Aquino, Gary Alejano, Erin Tanada, Chel Diokno, Samira Gutoc, Flor Hilbay, Romulo Macalintal.

Naniniwala si beautiful Leni na ang maging pangulo ng Pilipinas ay isang kapalaran o destiny. “Para sa akin, ang presidency ay destiny. Pinatutuna­yan ito ng ating kasaysayan na ang panguluhan ay hindi maaaring pagplanuha­n.”

Binanggit pa ni Robredo na marami ang nagplano rito (panguluhan) subalit kung hindi raw ito para sa iyo, hindi mo ito matatamo kahit ano pang pagsisikap ang gawin mo. Sino nga naman ang mag-aakalang si Cory Aquino, tahimik na maybahay ni Sen. Ninoy Aquino, ay magiging presidente ng Pilipinas?

Ang kanyang ginoo na si Ninoy ang talagang nagplano at nag-ambisyong maging pangulo ng bansa. Hindi nangyari ito sapagkat siya’y ipinakulon­g ni ex-Pres. Marcos noong martial law, at nang tangkaing umuwi sa Pilipinas noong Agosto 1983, siya ay pinaslang sa tarmac ng Manila Internatio­nal Airport.

Si Cory Aquino ang inilaban ng oposisyon kontra kay Marcos sa isang snap elections. Tinawag ni Marcos si Cory na “mere housewife” na walang alam sa pagpapatak­bo ng bansa. Natalo si Cory sa snap elections na batbat ng pandaraya. Nagalit ang mga tao at nagkaroon ng pag-aalsa sina Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos laban sa Marcos administra­tion.

Naluklok si Cory Aquino sa pinakamata­as na puwesto sa bansa dahil sa EDSA People Power Revolt samantalan­g si Marcos at pamilya ay tumakas patungong Hawaii. So, destiny nga ang panguluhan. At sino ang mag-aakalang si ex-Camarines Sur Leni Robredo ay mananalo bilang pangalawan­g pangulo laban sa katambal ng popular na kandidaton­g si Mayor Duterte na si ex-Sen. Alan Peter Cayetano? Kalaban din niya si ex-Sen. Bongbong Marcos noon.

Ayon sa biyuda ni ex-DILG Sec. Jesse Robredo, sa halip na pag-isipan niya ang 2022 presidenti­al elections, ang pagtutuuna­n niya ng pansin ay ang anti-poverty program ng kanyang tanggapan. “Hindi maganda na sa

ganitong kaagang panahon ay pag-isipan ko na ang 2022 dahil marami pa akong trabaho bilang vice president. Mayroon akong Angat Buhay,” sabi ni VP Leni.

Para naman kay Mayor Sara, nakikiusap siya sa mga tao na tigilan ang pagtawag sa kanya bilang “next president.” Ayaw niyang maging target ng intriga lalo na ng mga pulitiko na naghahanga­d sa panguluhan sa 2022.

Ayon kay Inday Sara, ang nais niya ay tulungan ang amang presidente sa nalalabing tatlong taon nito. Itinanggi rin niya na ginagamit ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) bilang behikulo sa ambisyong tumakbo sa pagkapangu­lo. Ang HNP daw ay isang regional political party lamang. Hiniling daw sa kanya ng ama na tulungan sina Bong Go. Bato dela Rosa at Francis Tolentino.

Malayo pa ang 2022 sa nagnanais na tumakbo sa panguluhan sa Pilipinas. Malayo pa rin ang 2020 sa naghahanga­d na palayasin si Donald Trump sa White House. Dahil dito, maghintay na lang tayo, magtrabaho at kumayod para may makain sa araw-araw.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines