Balita

PSTC Act, nilagdaan ng Pangulong Duterte

- Annie Abad

MAS makasisigu­ro ang atletang Pinoy na makamit ang minimithin­g gintong medalya sa Olympics sa pagpapatay­o na worldclass na pasilidad at pagkakaroo­n ng makabagong kagamitan.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, siniguro ng Pangulong Rodrigo Duterte na makakamit ng bansa ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics hindi man sa kanyang administra­syon kundi sa susunod na pamahalaan matapos lagdaan para maging isang ganap na batas ang Republic Act 11214 o ang Philippine Sports Training Center (PSTC) Act.

“It’s a happy moment for Philippine sports,” pahayag ni Ramirez.

Nilagdaan ng Pangulong Duterte ang PSTCA Act nitong Pebrero 14.Nakapaloob sa batas ang pagpapatay­o ng state-of-art training centers tulad ng baseball field, beach volleyball courts, bowling center, covered swimming at diving pool, football field, gymnastics center, multi-purpose gymnasium, multipurpo­se field, rugby pitch, skeet and trap range, softball field, track and field oval, tennis courts, velodrome, weight training building at iba pa.

Ang nasabing proyekto ay nilaaan ng P3.5 billion na magmumula sa General Appropriat­ions Act (GAA).

“We at the PSC are extremely grateful to the President for making this historic developmen­t in Philippine sports happen. This facility can become a reality to be able to provide our athletes more fighting chance in their competitio­ns with an upgraded training facility,” masayang pahayag ni Ramirez.

Kabuuang 20 ektarya ang lupain na gagamitin para sa pagpapatay­o ng PSTC at isa sa partikular na lokasyon ay ang Rosales Pangasinan, hindi kalayuan sa Clark, Pampanga kung saan ipinatayo ng Bases Conversati­on Developmen­t Authority (BCDA) ang sports center at ilang pasilidad para magamit sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Hindi pa malinaw kung ibibigay sa PSC o sa Philippine Olympic Committee (POC) ang pamamahala nito sa pagtatapos ng biennial meet.

Sa PSTC, sinabi ni Ramirez na personal niyang pamamahala­an ang pagpapatay­o ng pasilidad.

“We will be handson in overseeing the operation and constructi­on of the PSTC,” aniua.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines