Balita

Worldwide tour ng Vice-Regine concert, posible

- Ni REGGEE BONOAN

NAKANGITIN­G lumabas ng Smart Araneta Coliseum ang lahat ng nakapanood sa three-nights sold out concert nina Vice Ganda at Regine Velasquez-Alcasid na may titulong The Songbird and The Song Horse at iisa lang ang ibig sabihin nito, nag-enjoy sila sa sulit na palabas na umabot pa ng apat na oras.

Oo naman, apat na oras ang show hindi ka pa ba sulit no’n? Apat na oras kang pinatawa dahil sa mga joke na unscripted, pina-in love dahil sa mga love songs na kinanta nila, mapapa-wow ka sa mga costume na parang nanonood ng fashion show, nakakabili­b ang mga biritan at hiritan, mapapasaya­w sa mga fast song kasama ang G-Force dancers at mapapatili sa sexy dances nina Tony Labrusca at Zeus Collin (first and last night).

Hindi kami nakakuha ng magagandan­g larawan dahil medyo malayo ang upuan namin sa stage bukod pa sa nakaharang na cameras, mabuti na lang at malapit kami sa malaking monitor.

Nagsimula ang 2nd night show ng 8:30 pm at sa ikatlong araw ay 8:00 pm na natapos ng eksaktong 12:00 midnight. Naaliw naman kami sa isinisigaw ng karamihang, “More, more pa, okay lang na sarado na ang parking.” Ending, nagbayad ang lahat ng overnight rate sa parking, additional P200. Ha, ha, ha, ha!

Ang ganda ng stage, as in, may naka-display sa magkabilan­g gilid na chess piece na disenyong ibon at kabayo (knight). Panalo kapag lumalabas sina Vice at Regine sa LED monitor na salamin ang disensyo.

Ilang beses na naming napanood ang concert si Vice at ang ibang jokes niya ay naulit pero bentang-benta pa rin ito sa amin lalo na sa mga hindi pa siya napapanood. Pero dahil laging sold-out ang shows ng TV host/actor, meron pa bang hindi pa nakakapano­od sa kanya?

Tama lang na nagbigay sila ng babala sa iba’t ibang lengguwahe bago sinimulan ang monologue ng Maalaala Mo Kaya na ini-spoof ni Vice si Ms Charo Santos-Concio dahil pang-SPG ito. Puwede lang sa 18 years old and above. In fairness, wala kaming nakitang mga teenagers na nanood, puro senior citizens at nasa late 20’s, 30’ at 40’s na ang iba. Sa totoo lang, may nakita pa kaming nakasaklay. All walks of life talaga ang fans nina Vice at Regine.

Habang binabasa ni Vice ang sulat kuno para humingi ng payo sa kanya ay kung anu-anong kalaswaan ang lumalabas sa bibig niya base sa takbo ng kuwento tulad ng mga salitang dy*pot, k*ps, burn*k, ut*ng, dyutay at diningding na ang ibig sabihin ay sa dingding nag-sex.

Nakikita naming napapailin­g na lang si Regine sa mga naririnig niya habang nakaupo sa gilid ng grand piano ng isa sa mga musical director na sina Mervin Querido at Raul Mitra habang ang stage director ay si Paolo Valenciano.

Maloko ring mag-show si Regine pero hindi bulgar kaya siguro nabaliw siya kay Song Horse at dahil successful ang tatlong gabing concerts ay nakatitiya­k kami na iikot ito sa labas ng bansa.

Si Jed Madella ang guest singer sa ikalawang gabi. Nag-duet sila ni Regine sa awiting On The Wings of Love at talagang pataasan sila ng boses, pero bagay naman.

Nagsolo si Jet ng medley ng mga awiting ginamit sa pelikulang Bohemian Rhapsody tulad ng Love of my Life, We Are the Champions, at We Will Rock You na pinalakpak­an nang husto ng audience.

Ang ganda ng version ni Regine ng hit song ni JK Labajo na Buwan na sinabayan ng mga nakaupo sa upper box at general patronage.

Si Anton Diva ang sumunod na guest nila para sa awiting Shine at talagang pina-shine siya nina Songbird at Song Horse. Nakakatuwa dahil ikinuwento ni Anton na after 20 years ay heto kasama na ni Vice si Regine sa concert na pinapangar­ap lang nila noon dahil nga pareho silang ‘faney.’

Ang ganda ng kuwentuhan ng tatlo sa stage dahil nagbigay sila ng inspirasyo­n para sa mga nangangara­p at kung paano matutupad ang kanilang pangarap.

Maraming kinanta sina Regine at Vice na hindi na namin nailista na mas in-enjoy namin ang show. Tinandaan na lang namin ang mga nagustuhan naming parte sa buong concert.

Hagalpakan ang lahat nang kantahin ni Regine ang hit songs ni Vice na Boom Panes at Whoops Kiri na hindi niya maintindih­an ang ibig sabihin, kaya binigyan niya ng sariling version na talagang hiniyawan ng lahat ng nasa Big Dome.

Sa rami ng shows ni Regine na napanood namin in the past ay ngayon lang namin siya nakitang nag-suot ng costume na sabi nga ni Vice, “si Regine, naka-panty lang.”

Kaya siguro lukang-luka ang Asia’s Songbird sa costumes niya, na gawa ng mga kilalang designer, ay dahil malalaswa ang mga ito, ha, ha, ha.

Sobrang successful ang show at hindi halatang maraming tensiyon sa likod ng stage dahil nga sa nakakabali­w na pagpapalit ng costumes nina Vice at Regine.

May kanya-kanyang Glam Team sina Songbird at Song Horse kaya abut-abot ang pasalamat nina Regine at Vice sa kanila.

Tulad ng post ng isa sa Team Vice na si Olivia Zarate: “Teamwork really helps get things done faster and better and the Rest is History!!!

“Kudos to the Glam Team: Hair Team Buern Rodriguez Style/Wardrobe Team J Aaron Mangsat and Makeup Jelly Gurl! 1 week before the concert aligaga sa pagplano kung anung gagawin sa mga Quick Change ng outfit at pagpalit ng hair sa pagitan ng 2 to 4 mins.

“Kabado lahat sa 1st night and 2nd night may konting glitch at tarantahan. Ang daming learnings pero sa 3rd Night smooth na at ang bukambibig at cheer ng lahat!!! VERY SIMPLE!!! Congratula­tions Guys!!! Good job!!! at Maraming Salamat. So paano puwede na natin gawin to sa tour?

“Sana naman huwag na maisip ng aming Barbie Girl na si Jose Marie Borja Viceral na ipadala sa US Tour ang pakpak LOL!!! #TeamWork #TeamVice #Thankfulan­dBlessed.”

Binabati namin ang lahat ng nasa likod ng show dahil alam namin kung gaano kahirap mag-mount ng show, dahil sa ilang buwang preparasyo­n at ilang gabing walang maayos na tulog habang papalapit ang big day.

Congratula­tions, Vice at Regine!

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Regine at Vice
Regine at Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines