Balita

21 Savage: I’m not leaving Atlanta without a fight

-

KASUNOD ng kanyang detention na ipinataw ng Immigratio­n and Customs Enforcemen­t agents, binuksan ulit ng rapper na si 21 Savage ang usapin tungkol sa posibleng deportatio­n niya at kanyang plano para sa hinaharap, ayon sa ulat ng Entertainm­ent Tonight.

Kinapanaya­m ang rapper, tunay na pangalan ay She’yaa Bin Abraham-Joseph, ng The New York Times. Ang panayam ay inilathala nitong Linggo, at nakasaad dito na plano niyang gawin ang kahit na anong kailangan para manatili sa Atlanta kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

“I got three kids, my mama, everything that I know is here in Atlanta. I’m not leaving Atlanta without a fight,” lahad ng A Lot rapper sa pahayagan. “We gon’ fight all the way till the last day even if that mean I sit in jail for 10 years.”

Inaresto ang 26 taong gulang na artist immigratio­n officers noong February 3, dahil sa umano’y “unlawfully present United Kingdom national” ang rapper at paso na ang kanyang visa noon pang 2006, nang siya ay isa pang teenager. Nadetine siya ng siyam na araw sa ICE detainment facility bago pinalaya nang makapagpiy­ansa ng $100,000.

Dahil sa pagkakakul­ong ay hindi siya nakadalo sa Grammy Awards, kung saan nakatakda siyang magtanghal kasama si Post Malone ng kanilang kolaborasy­on, ang Rockstar.

Gayunman, sinabi ni 21 Savage na hindi ang pagsipot sa Grammys ang pinakainaa­lala niya nang siya ay nakakulong.

“I was stressed about getting out. The Grammys is the Grammys, but when you in jail, the Grammys is nothing,” paliwanag niya. “I got to watch it. By that time they had put a TV in my room.”

Lumipat ang artist, na sinasabing lumaki sa “poor side of London,” sa America nang siya ay 6-years-old, at nanirahan na roon sa loob ng dalawang dekada.

Makaraang maipakulon­g ng ICE, sinabi ni 21 Savage na ang manatili sa bilangguan ay “(wasn’t nearly as stressful as) the possibilit­y of me not being able to live in this country no more that I’ve been living in my whole life.”

“All that just going through your head, like, ‘Damn, I love my house, I ain’t gonna be able to go in my house no more? I ain’t gonna be able to go to my favorite restaurant that I been going to for 20 years straight?’ That’s the most important thing,” sabi niya.

 ??  ?? 21 Savage
21 Savage

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines