Troll, walang nagawa kay Kate Beckinsale
IS A n a namang Internet troll ang binanatan ni Kate Beckinsale.
Ilang linggo makaraang lumabas ang British actress kasama si Pete Davidson — una sa Golden Globes after party at kalaunan, sa stand up comedy show ni Pete — niresbakan ng aktres ang isang Instagram user na kinutya ang umano’y relasyon niya kay Pete, ayon sa ulat ng People.
Nitong Sabado, nag-post si Kate 45, ng close-up selfie sa Instagram at kalahati lamang ng mukha niya ang kita.
Caption niya: “Here’s what I got from five years of biology class : ‘mollusc’ is Latin for ‘soft flesh’ and how to identify and label a urethra. Neither has kicked in yet as useful as of today.”
Dahil sa post ay nag-comment ang isang follower: “With own disapproving thoughts about Beckinsale’s dating life”.
“Disappointed in your dating choices,” post ng user, na nakunan ng Instagram account Comments by Celebs, at ang tinutukoy nito ay si Pete, 25.
Sinagot naman ito ni Kate: “Fairly let down by your wonky beard but thought possibly rude to say.”
Dahil sa naging palitan ng komento ay sinuportahan siya ng ibang followers.
“Everyone is entitled to make their own dating choices, @katebeckinsale included,” post ng isang fan.
“Your relationships are none of our business, but I do hope you find happiness because nothing is more important,” sabi pa ng isa pa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na biniro ni Kate ang mga Instagram commenters na nagtanong tungkol sa Saturday Night Live comedian.