Balita

Ika-61 labas

- R.V. VILLANUEVA

BIGYAN mo naman ng dignidad ang

pagkalalak­i mo, binabalik-balikan ni Leo sa kanyang isip ang sinabi ng kanyang kumpareng si Tony. Sa sinabing ito, nasaling ang kanyang pagkalalak­i. Ngunit nagtimpi siya. Wala naman sigurong ibig sabihin ang kanyang kumpare, naisip pa niya. Baka naman nagmamalas­akit lang naman ito sa kanya.

“Pasens’ya na, pare,” dagdag pa nito, tinapik ang kanyang balikat, nang mahalata na matagal siyang nawalan ng kibo. “Hindi ko naman sinasabi na wala kang dignidad, ang akin lang kasi, sentro kayo ngayon ng tsismis ng mga tao.”

“Wala nga akong pakialam sa kanila, sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin. Mananawa rin ang mga ‘yan.”

“Pero ang akin lang, kausapin mo naman ang doktor. Kinausap mo ang albularyo, tapos ang doktor, hindi mo kakausapin?”

“Alam ko naman na magkakaiba sila ng opinyon,” katwiran niya. “Pero mas naniniwala kasi ako sa paliwanag ng albularyo, at lalo na sa aking asawa.”

“Alam mo, kung sa akin nangyari ‘yan, baka kinompront­a ko na ang aking asawa.”

“Kokompront­ahin?” ulit niya. “Nang dahil sa tsismis, kokompront­ahin ko ang aking asawa? Hindi ko magagawa ‘yon. At bakit ako maniniwala sa ibang tao?”

Tahimik na iiling-iling lang si Tony.

“Sige, sa bahay na lang tayo, mam’ya,” pagkuwa’y sabi nito. “Darating si Pareng Lito, gusto ka ring n’yang makausap no’n.”

“Alam na ba ang nangyari sa asawa ko?”

“Oo naman, me maitatago ba sa lugar natin. Sa daming makakati ang dila.” Tumango-tango lang siya. Hindi kaagad siya pumasok ng bahay pagkaalis ni Tony. Binalikbal­ikan niya sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Lalo na ang tungkol sa ultrasound, at kung bakit hindi niya kausapin ang doktor.

At bakit nga ba hindi na matandaan ng kanyang asawa kung saan nailagay nito ang kopya ng ultrasound? Hindi pa naman ganoon katagal nang mangyaring manganak ito ng ahas. Nagiging malilimuti­n na ba ang kanyang asawa? O marahil, dala na rin siguro ito sa trauma na inabot dahil sa pagkapanga­nak nito ng ahas.

Tumuloy agad siya ng kuwarto nang makapasok sa bahay. Hinagilap ang mga drawer ng aparador. Inisa-isa ang mga nakasalans­an kung ano-anong abubot.

Ngunit wala siyang makitang kopya ng ultrasound.

Lahat ng lagayan na maaaring paglagyan ng ultrasound. Kung saan-saan, sa likuran ng salamin o picture frame.

Pero wala pa rin siyang makita.

Baka nga marahil, naitapon ng kanyang asawa. At bakit naman nito itatapon ang mahalagang bagay? Dahil siguro sa sinabi ng albularyo na mali ang

ultrasound na iyon. Na nilinlang lamang ng engkanto ang doktor? Ano pa nga naman ang silbi niyon.

Pero nagpatuloy sa paghahanap si Leo. Saka niya naaalala, mahilig magipit ng mga mahahalaga­ng dokumento, kahit nga ng pitaka, ang kanyang asawa sa mga nakasalans­an at nakatupi nilang mga damit sa kanilang closet.

Agad niyang inisa-isa ang bawat pagitan ng nakasalans­an na mga damit. Kinapa-kapa ang mga singit-singit. At sa damit ng kanyang asawa, naroon, natagpuan niya, ang nakaipit na kopya ng ultrasound.

Tiningnan niya ito, na bagama’t wala naman siyang alam kung paano basahin iyon.

Pero napaigtad siya nang makarinig ng yabag ng paa papasok sa kanilang bahay.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines