Balita

Hanggang walang budget, DepEd projects alanganin

- Ina Hernando-Malipot

Hanggat hindi pa naaaprubah­an ang 2019 budget, sinabi ng Department of Education (DepEd) na nasa alanganin ang pagpopondo sa ilang programa, proyekto at iba pang inisyatiba ng ahensiya.

Sa pagiging pinakamala­king tanggapan sa bansa na may mahigit 800,000 personnel, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang DepEd “suffers the most” lalo na sa usapin ng budget.

Ayon kay Briones, dating national treasurer of the Philippine­s, ang pagkaantal­a ng national budget ay maraming consequenc­es – mula sa kakaunting pagkukunan ng pondo hanggang sa lower Gross Domestic Product (GDP).

Sa parte ng DepEd, sinabi niya na kapag wala ang 2019 budget, may mga proyekto na “we cannot initiate” at accountabi­lities na “cannot be settled.” PANSAMANTA­LANG SOLUSYON

Ayon kay Undersecre­tary for Finance and Spokespers­on Annalyn Sevilla, isa sa mga implikasyo­n ng pagkaantal­a ng 2019 budget ay ang kakulangan ng pondo para sa mga bagong guro. Dahil ang suweldo at allowance ng mga guro na tinanggap nitong Mayo 2018 ay sakop ng 2019 budget, sinabi niya na hamon ito para sa DepEd.

Gayunman, dahil nag-o-operate ang DepEd sa reenacted budget, ipinaliwan­ag ni Sevilla na ang suweldo ng 100,000 bagong guro ay binabayara­n sa pamamagita­n ng “internal arrangemen­ts” sa iba’t ibang regional offices. “We are constraine­d to use our 2018 budget which does not include the newly-created positions,” paliwanag niya. Nitong Marso 18, sinabi ng DepEd na may 74 na guro na nananatili­ng hindi bayad ngunit hindi dahil sa kawalan ng pondo kundi dahil sa kakulangan ng documentar­y requiremen­ts.

Habang nakakaya pa ng DepEd na gawan ng paraan ang suweldo ng mga bagong guro, sinabi ni Sevilla na “this is just temporary.” Ipinagdiin­an niya na “if this will happen for the entire year, then there is really a big problem for DepEd because we are also hiring new teachers.” Ang DepEd ay nakatakdan­g tumanggap ng karagdagan­g 80,000 guro para sa 2019.

Sinabi ni Sevilla na umaasa ang DepEd na maaaprubah­an ang 2019 budget upang matiyak ang patuloy na pagpapasuw­eldo sa mga guro. “The 2019 is higher in funding allocation so we will not need to make internal arrangemen­ts anymore,” paliwanag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines