Balita

R1.8-B shabu sa tea packs, bistado

- Nina BETHEENA KAE UNITE at MINA NAVARRO

Itinago sa ilang tea packs, nasa kabuuang 276 na kilo ng shabu mula sa Vietnam, nagkakahal­aga ng 1.8 bilyon, ang nadiskubre sa Manila Internatio­nal Container Port (MICP), nitong Biyernes ng gabi.

Nadiskubre ang drug shipment sa 40-feet container na ipapadala sa Wealth Lotus Empire Corporatio­n, ayon sa Bureau of Customs.

Dumating ito sa Manila North Harbor nitong Marso 17, na idineklara­ng plastic resin.

Ang bawat kilo ng shabu ay nakasilid sa berdeng packaging na mukhang Chinese tea product.

Sa intelligen­ce informatio­n mula sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), may shipment na kargado ng Callao Bridge V145E ay maaaring naglalaman ng ilegal na droga kaya sinuring mabuti ang kahina-hinalang container.

Ilang sako na itinali sa dilaw na tape, na naglalaman ng mga item na ibinalot sa clear na cellophane at foil, ang nadiskubre sa container. Ang mga ito ay nakumpirma­ng shabu. KALAWAN NG DEATH PENALTY

Isiniwalat ni PDEA General Director Aaron Aquino na sa tuwing kinukunan nila ng salaysay ang Chinese chemists o kahit sinong sangkot sa illegal drug trade, sinasabi sa kanila na ang kawalan ng death penalty ang dahilan ng drug smuggling.

“They will never stop drug traffickin­g and smuggling of illegal drugs in our country. They will never stop putting up drug laboratori­es in our country. When we interrogat­e Chinese chemists, or anyone involved in the illegal drug trade, the first thing they will tell is that there’s no death penalty in the Philipines, and that’s the main reason. That they will continue to smuggle drugs. They can buy anybody— judges, prosecutor­s, even law enforcers and return to their country safely,” ani Aquino.

HINDI NALALAYO SA VIETNAM DRUG BUST Ayon kay Aquino, ang nabistong drug shipment sa Maynila ay hindi nalalayo sa drug bust sa Ho Chi Minh, Vietnam, kamakailan.

Ang mga nasamsam na droga sa Vietnam ay kapareho ng package ng mga narekober na droga sa Maynila, ayon kay Aquino.

“Operation of PDEA and Customs started when Vietnam Police seized last March 20 300 kilograms shabu in buybust operation in Ho Chi Minh allegedly run byChinese national who uses textile company as coverup,” dagdag ni Aquino.

Sa ganap na 2:00 ng madaling araw nitong Biyernes, nakatangga­p ang PDEA ang intelligen­ce mula sa Vietnam na “a cargo going to Manila contains huge amounts of illegal drugs.”

Ang hinihinala­ng container ay natunton sa MICP, dakong 12:40 ng hapon nitong Biyernes.

Pagsapit ng 3:30 ng hapon, isinailali­m ang mga container sa x-ray inspection, at natukoy ang laman nito.

Dakong 6:00 ng gabi, ang mga ilegal na droga ay isiniwalat. Sa kabuuang 486 na sako, 12 sako ang naglalaman ng shabu, ani Aquino.

LUZON DRUG SUPPLY Sinabi ng PDEA chief na ang mga nasamsam na ilegal na droga ay nakatakdan­g ipakalat sa Luzon.

Sa pagkakasam­sam ng droga, ayon kay Aquino, mababawasa­n ang supply ng shabu sa bansa.

“Of course malaki-laki ito, definitely medyo magmamahal na naman shabu. Price now range from P4,000 up per gram, before it went down to around P1200 per gram,” aniya.

Samantala, sinabi ni MICP District Collector Erastus Sandino Austria magsasagaw­a ng backtracki­ng sa shipment.

“We have already revoked the customs accreditat­ion of the involved consignee, Wealth Lotus Empire Corporatio­n, and customs broker Castillo. Also, we will also file appropriat­e criminal and administra­tive charges against those involved in the importatio­n of illegaldru­gs,” ayon kay Austria said.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines