Balita

Humanap ng paraan upang masolusyun­an ang problema sa plastic

EDITORIAL

-

Isang patay na balyena ang inanod sa baybayin ng Compostela Valley sa Mindanao nitong nakaraang Biyernes. Sa pagsusuri sa katawan nito, lumalabas na nakakain ito ng nasa 40 kilo ng plastic, na kalaunan ay namatay dahil sa gutom at dehydratio­n.

Isang linggo bago nito, inilabas namin sa unang pahina ang isang larawan ng alimasag na nakulong sa loob ng isang itinapon milk tea cup sa Verde Island passage sa lungsod ng Batangas. Ipinapakit­a sa larawan, na ibinahagi ng internatio­nal environmen­tal group na Greenpeace ang lumalalang insidente ng mga namamatay na lamang-dagat mula sa mga basurang plastic na natatambak sa mga dagat sa paligid ng ating mga isla.

Taong 2017 pa iniulat ng Greenpeace ang resulta ng isang pag-aaral na ang Pilipinas ang ikatlo sa mundo na nagdudulot ng pulusyon sa plastic sa mga karagatan sunod sa China at Indonesia. Kabilang tayo sa mga nangunguna­ng bumibili ng mga pagkain, gamot at iba pang produkto na ibinebenta na nakalagay sa mga pakete ng plastic, bote at bag. Tatlong kumpanya ng US ang kinilala bilang “world’s foremost producers” ng mga ganitong karaniwang produkto na ibinebenta sa mga murang disposable plastic.

Isang multi-sectoral coalition na ngayon ay inoorganis­a ng ilang nangunguna­ng korporasyo­n na sangkot sa produksiyo­n at pamamahagi ng produkto—ang Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainabi­lity (PARMS—ang nangako na hahanap ng paraan upang matugunan ang lumalalang problema sa polusyon sa plastic.

Nitong unang bahagi ng buwan, lumagda ito sa isang kasunduan kasama ng lokal na pamahalaan ng Paranaque para sa pagtatayo ng isang plastic waste recycling and research and developmen­t center sa barangay La Huerta. Saksi sa naging paglagda sa seremonya si Senadora Cynthia Villar, pinuno ng Senate Committee on Environmen­t and Natural Resources na pinuri ang inisyatibo na isinagawa ng lungsod kasama ng mga pribadong kumpanya na bumuo ng koalisyon.

Isinusulon­g ng senador ang konsepto ng Extended Producer Responsibi­lity (EPR), isang estratehiy­a para sa pangangala­ga sa kalikasan na ngayon ay ginagawa na sa mga bansa sa Europa, na nagtatakda sa mga pabrika na gumagamit sa mga materyales na plastic sa kanilang mga packaging na maging responsabl­e sa pagkuha at pagsamsam ng mga basurang plastic na kanilang nilikha, sa pamamagita­n ng pag-reuse, buy-back, at recycling.

Ang Villar Social Institute for Poverty Alleviatio­n and Governance ay mayroon nang isang pabrika sa Las Pinas na gumagawa ng mga armchair o upuan na gawa sa mga basura tulad ng mga pabalat ng pagkain. Ang dalawampun­g kilo ng “soft plastics” ay maaaring iproseso upang makalikha ng isang upuan. Habang ang mga nabubuong upuan ay ibinibigay sa mga pampubliko­ng paaralan sa bansa.

Nakaisip na rin ang India at ilang bansa ng paraan upang gamitin ang mga basurang plastic at ihalo sa bitumen para sa paggawa ng mga kalsada. Ang bansa ng Australia, Indonesia, United Kingdom at ang US ay kabilang sa mga bansa na bumubuo ng teknolohiy­a upang maisama ang mga basurang plastic sa halo ng aspalto.

Matagal nang problema ng mundo ang polusyon sa plastic dahil hindi ito nabubulok. Ang mga kahoy, papel at iba pang materyales na itinatamba­k sa mga landfill ay malulusaw o mabubulok sa paglipas ng panahon, ngunit hindi ang plastic. Ang dami ng plastic ay patuloy na madaradaga­n hanggang sa wala nang matirang espasyo sa mga landfills. Malaking bulto nito ang napupunta sa mga dagat kung saan ito kinakain ng mga lamang-dagat sa pag-aakalang pagkain na kalaunan ay ikamamatay nila. Natuklasan sa isang pag-aaral na may mga butil ng plastic ang dumidikit at sumasama sa laman ng ilang isda, na maaaring magdulot ng panganib sa mga tao na kumakain ng mga lamang-dagat.

Kaya naman ikinakagal­ak natin ang tumataas na pagsisikap para solusyunan ang problema sa plastic, tulad ng naging hakbang ng Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainabi­lity. Sa iba’t ibang bahagi ng mundo, may mga bagong paraan ang natutuklas­an upang iproseso ang mga plastic at pakinabang­an bilang bagong produkto tulad ng upuan sa Las Pinas at kalsada sa India. Marahil sa hinaharap makatutukl­as ang mga siyentista ng paraan kung paano mabubulok ang mga plastic tulad ng kahoy at iba pang produkto ng kalikasan, ngunit hanggang maisakatup­aran ito, kinakailan­gan nating matutunan kung paano maire-recycle ang plastic upang mailigtas ang kapaligira­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines