Balita

Apat na tula sa tubig

- Bert de Guzman

DAHIL may krisis ngayon sa tubig at tag-araw na, naisipan kong sumulat ng apat na maiikling tula:

1. TUBIG: “Ang tubig ay buhay/ ako’y nauuhaw/ Daming kababayan/ ang naiinitan/ Sapat naman daw/tubig sa Angat Dam/Eh bakit ang gripo di dinadaluya­n?”

2. MAAWA KA: “Tubig, tubig, tubig/Maawa ka naman/Ulan, ulan, ulan/ pumatak ka naman/Tuyot na tuyot na/ ang mga palayan/ Dehin goli pa rin/Mga kababayan”.

3. AMIHAN: “Amihan,’wag muna/ h’wag munang lumisan/Lalo na ang tubig/sa La Mesa Dam/ay bumababa na/at nangauuhaw/Ang minamahal kong/mga kababayan/Oh ulan kailan ka darating/ kailan, kailan?/Upang mapatighaw/ang darang na buhay.”

4.PAKIUSAP: “Matutulog akong/ wala si Amihan/ Umalis na siya/at ako’y iniwan/Sa panahon ngayon/ng katagarawa­n”.

Hanggang si Pres. Rodrigo Roa Duterte ang presidente, ang Pilipinas ay hindi babalik bilang miyembro ng Internatio­nal Criminal Court (ICC). Tinanggiha­n ng Malacañang ang apela ni Assembly of States Parties (ASP) president O-Gon Kuon ng South Korea na ikonsidera ang desisyon ng pagkalas sa Rome Statute (ICC).

Para naman sa ICC, itutuloy nito ang preliminar­y investigat­ion sa drug war ni PRRD sapagkat nang kasuhan siya, ang PH ay miyembro pa ng ICC. Ayon kay ICC prosecutor Fatou Bensouda, walang epekto ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute (ICC) dahil may hurisdiksi­yon pa ito noon. Kumalas ang PH sa ICC nitong Marso 17 lamang.

Sa puntong ito, nagbanta ang Malacañang na pagbabawal­an ang mga kinatawan ng ICC na pumasok sa ‘Pinas para mag-imbestiga sa umano’y extrajudic­ial killings (EJKs) na kagagawan ng administra­syong Duterte. Nagwarning pa si Panelo na agarang ipade-deport ang sinumang magtatangk­ang magsiyasat sa drug war ni Mano Digong.

Ganito ang pahayag sa wikang English ni Bensouda: “My office’s independen­t and impartial preliminar­y examinatio­n into the situation in the Philippine­s continues. Pursuant to Article 127.2 of the Statute, and based on prior ICC judicial ruling in the situation in Burundi, the Court retains its jurisdicti­on over crimes committed during the time in which the State was party to the Statute and may exercise this jurisdicti­on even after the withdrawal becomes effective.” Binibining Fatou, kwidaw ka. Baka sampalin ka ng aming Pangulo ‘pag pumunta ka rito at magimbesti­ga.

Kung hindi pa nagalit at nagbanta si PRRD sa MWSS at Manila Water (MW), hanggang ngayon marahil ay wala pang tubig sa libu-libong kabahayan (household) sa Metro Manila. Malaking perhuwisyo ang walang tubig, dehin goli na, dehin pang magsepilyo.

Sabi nga ng kaibigan kong palabiro-sarkastiko-pilosopo, ang dami raw nagkaroon ng “putok” at marami rin ang nagka-bad breath dahil sa kawalan ng tubig. Obserbasyo­n naman ni Senior jogger, sa loob ng mga sasakyan, jeep, bus, MRT, LRT, marami ang nagtatakip ng panyo sa ilong sanhi ng “halimuyak” na dulot ng hindi paliligo. MWSS, Manila Water, bigyan ninyo kami ng tubig lalo na ngayong wala na si Amihan at parating na si Tag-araw!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines