Balita

Para sa kababaihan, para sa mundo

- Fr. Anton Pascual

MALAKI ang matatamong kaunlaran ng buong mundo kung dadagdagan natin ang pamumuhuna­n o investment­s sa mga gawain at proyekto para sa mga babae.

Ayon nga sa isang pagsusuri ng Asian Developmen­t Bank, mga $12 trillion ang maaaring madagdag sa global gross domestic product pagdating ng 2025 kung ating isusulong ang pagkakapan­tay-pantay ng kasarian.

Kapanalig, hindi lamang yaman ang ating matatamo. Kapayapaan din sa bawat tahanan ang magiging biyaya kung ating paninindig­an ang women’s equality. Sa ngayon, isa sa dalawang babae sa Asya at Pasipiko ang nakakarana­s ng seksuwal at pisikal na pang-aabuso mula sa kanilang mga partners.

Hindi dapat natin hinahayaan­g mangyari ito sa ating mga kababaihan. Ang kanilang partner ang siyang dapat unang nag-aalaga at nagmamahal sa kanila. Napakahira­p, kapanalig, kung sa sarili mong tahanan, arawaraw ay pakiramdam mo na wala kang kaligtasan mula sa karahasan.

Sa Asia, mababa rin ang labor force participat­ion ng mga kabahaihan. Nasa 49% lamang ito, kumpara sa 80% ng mga kalalakiha­n. Marami kasing hadlang sa pagtatraba­ho ng babae. Unang una, marami sa atin ang nagiisip na ang gawaing bahay ay trabaho ng mga babae lamang. Kaya nga’t sa halip na makapasok, maraming babae ang natatali sa mga domestic chores na kayang-kaya rin naman gawin ng lalake. Kung pagtutulun­gan ng babae at lalake ang gawaing bahay, pareho silang may pagkakatao­ng kumita. Mas gagaan ang buhay nila sa loob at labas ng tahahan.

Pagdating naman sa trabaho, lalo na sektor ng agrikultur­a, lugi pa rin ang ilang mga babae. Mas maliit ang kita nila kaysa sa lalake, kahit pa mas mahaba ang oras na kanilang ginugugol sa gawaan. Tinatayang sa Asya, 77% lamang ng suweldo ng lalake ang natatangga­p ng babae. Hindi naman sila makapagneg­osyo dahil kulang din sila sa access sa mga credit o finance, lalo pa’t wala silang kolateral dahil karaniwang walang pag-aari ang marami sa kanila. Kung mayroon man, hindi ito nakapangal­an sa kanila.

Kailangan nang mabago ang hindi pagkakapan­tay-pantay ng kasarian sa ating bansa, at sa pangmalaki­hang lipunan. Ang tunay na kaunlaran ay hindi natin maaabot kung hindi natin isusulong ang kapakapana­n ng kababaihan. Kapanalig, ang bawat pagtulong sa babae ay pagtulong sa sangkatauh­an. Ang dignidad ng tao ay biyaya ng Diyos para sa lahat, hindi sa piling sektor o kasarian lamang. Ayon nga sa Gaudium et Spes, “Tayo man ay magkakaiba, patas at pantay ang ating dignidad, at tinatawag tayo nito na kumilos para sa mas patas at makataong mundo.” Kapanalig, pakatandaa­n, ang kabutihan para sa babae, ay kabutihan din para sa lahat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines