Balita

Aguinaldo @ 150: Selebrasyo­n ng kultura, kasaysayan

-

MASAYA at makulay na ipinagdiwa­ng ang ika-150 kaarawan ng rebolusyon­aryo at unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, si Gen. Emilio Aguinaldo.

Daan-daang katao, bata man o matanda, na mula sa iba’t ibang lugar ang nagtipun-tipon sa makasaysay­ang Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, nitong Biyernes para makibahagi sa pagdiriwan­g.

Sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippine­s (NHCP), sinimulan ang event sa flag-raising at wreath-laying ceremony.

Dumalo sa pagtitipon si Cabinet Secretary Karlo Alexei B. Nograles, bilang panauhing pandangal at tagapagsal­ita, at siya ang nanguna sa mga nakiisa mula sa national, regional, provincial at local government agencies, members ng Aguinaldo clan, Independen­t Freemasons of the Philippine­s, diplomatic community at nongovernm­ent organizati­ons.

Sa kanyang talumpati, pinayuhan ni Nograles na huwag lamang alalahanin si Aguinaldo para sa kanyang kabayaniha­n at ambag sa mga Pilipino ngunit sa kanyang tagubilin na hindi matatamo ng sambayanan­g Pilipino ang kalayaan kung hindi tayo magkakaisa bilang iisang bansa.

Ikinumpara ni Nograles ang mga sulirain ni Aguinaldo sa ngayon ay kinakahara­p ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, ang tunay na lider ay hindi mag-iisip ng kung anuman kundi ang ikakabubut­i lamang ng nasasakupa­n nitong mamamayan at pag-iwas sa pagdanak ng dugo.

Tinanggap ni Nograles ang Aguinaldo @ 150 commemorat­ive coin at stamp mula kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno at Philippine Postal Corp. chairman, Norman Fulgencio.

Kabilang din sa mga dumalo sina Cavite Vice Governor Ramon Jolo Revilla III, Cavite 1st District Rep. Francis Gerald A. Abaya, Kawit Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla, Provincial Tourism ar Cultural Affairs Office head Rozelle Sangalang, Cavite Police Director Col. William Mongas Segun, at dating prime minister Cesar Virata.

Nagpatuloy ang selebrasyo­n sa pagtatangh­al ng “karakol” (religious dance procession) competitio­n, na nilahukan ng iba’t ibang paaralan mula sa bayan. Ang Karakol ay isang original dance of prayer para kay Sta. Maria Magdalena, patron ng Rebolusyon at ng Kawit parish church.

Isa rin sa mga nagtanghal sa pagdiriwan­g na tinawag na “Sa Iyong Pagwagaywa­y: A Celebratio­n of History and Culture” ay ang Bayanihan, ang tanyag na national folk dance company.

Isinilang noong Marso 22, 1869, si Aguinaldo aynaging Pangulo ng bansa sa edad na 29. Ang kanyang proklamasy­on ng Philippine Independen­ce sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 ang naging daan para isilang ang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899.

Idineklara ng Malacañang ang Marso 22, 2019 bilang special nonworking holiday sa lalawigan ng Cavite para gunitain ang kaarawan ni Aguinaldo sa bisa ng Proclamati­on 694, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sa awtorisasy­on ni Pangulong Rodrigo Duterte noong March 12.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines