Balita

Vice ‘Showtime Indonesia’, OK lang na walang ‘Vice Ganda’

- Ni ADOR V. SALUTA

NOONG March 16, 2019, sa pamamagita­n ng Facebook video post, inanunsiyo ngIndonesi­anchannelM­NCTV,thatitwill­airitsown franchise of It’s Showtime Indonesia starting March 25,3pm (2pm Manila time) which will be graced by ABS-CBN executives Mr. Peter Edward Dizon,

Showtime Business Unit Head, Direk Bobet Vidanes, Showtime director along with Jugs and Teddy.

Sa presscon na ginanap last Thursday, March 21, tinanong ng press ang BUH ng It’s Showtime na si Peter Dizon kung bakit sina Jugs and Teddy ang napiling representa­tive ng programang It’s Showtime sa Indonesia.

He explained, “’Yung pag-eextend po ng happiness sa madlang people, role po talaga ni Jugs at Teddy ‘yon.

“Ang kailangan natin ay access sa madla and pag-e-extend ng happiness sa ‘Showtime’, sila po talaga una naming maiisip.”

On It’s Showtime, it is usually Jugs or Teddy who interview members of the audience called “Madlang People.”

Ano ang partisipas­yon nina Jugs and Teddy sa Indonesia?

Teddy explained, “’Yung initial po namin, observe din po and parang for our end, papakita namin ‘yung ibang kaganapan sa Indonesia.

“Pero, parang vlog type lang ‘yung treatment namin kasi parang nandoon lang talaga kami to observe lang, kasi parang ‘di kami nandoon to host kasi wala kaming business permit. Hindi kami sasampa sa stage.”

Jugs also shared his excitement upon knowing that they will go to Indonesia, especially since his wife used to live there.

“Ako, tanungin ninyo kay Sir Pete, noong nalaman kong ipapadala nila ako, nagtatatal­on po talaga ako, promise.”

Jugs and Teddy studied the Bahasa version of It’s Showtime’s theme song. “Para pagdating namin do’n at sakaling ipakanta sa amin, alam na namin ‘yong kanta (Indonesian version).

Sa hiwalay naming panayam kina Jugs and Teddy, ikinagulat at ikinasorpr­esa ba nila na magiging franchise ng Showtime ang Indonesia?

Kuwento ni Teddy, “Alam mo, umpisa pa lang ng ‘Showtime’, nagbibirua­n pa kami, three years lang kami sa ‘Showtime’, okay na. Pero hindi namin ini-expect na aabot kami ng ganito katagal. Ten years? Akalain mo ‘yun, umabot kami ng sampung taon? Parang ibinigay natin ang kabataan natin dito,” sabay nilang sagot ni Jugs.

Aniya pa, “Ang sarap ng feeling na nagkaroon kami ng franchise na parang ‘di kami makapaniwa­la, na para kunin ng ibang country ang konsepto ng ‘Showtime’, ang laking pasasalama­t at achievemen­t din sa amin,” ani Teddy.

Ibinahagi naman ni sir Peter Dizon na galing siya ng Indonesia, two weeks ago and they trained Indonesian production staff and all of the segments of Showtime. “Nagkaroon kami ng workshop with them para malaman nila kung ano ang mga elements ng ‘Showtime’, ‘yung talagang tatak-‘Showtime’ from the theme song, trinanslat­e nila all these interestin­g stuffs things about ‘Showtime’ from the castings, to the mounting, shinare po namin ‘yun sa kanila as part of our service with them.”

Naitanong din kay sir Peter Dizon kung may counterpar­t na Vice Ganda sa Indonesia. Maingat niyang paliwanag, “We have difference­s in terms of culture, so in terms of casting, hindi talaga kailangang magkaroon ng Vice Ganda do’n. What we needed is magkaroon sila ng main host na makakapag-anchor po ng main program at siyempre meron din silang Jugs and Teddy do’n because sobrang crucial ‘yun para magkaroon ng koneksiyon with the madlang pipol na ang tawag nila ay ‘Showtime’ mania. ‘Yon po ang counterpar­t ng madlang pipol,” sey ng Showtime BUH.

Inisa-isa ni sir Peter ang mga hosts ng Showtime Indonesia.

“They have Luna Maya, isa po siyang kilalang artist sa Indonesia, meron siyang single soap and currently nagho-host din siya ng isang noontime show.

“Leon Consul is part also of ‘Showtime Indonesia’ also, a Filipino. Meron silang si

Raffi Ahmad, isa sa most-sought after actor sa Indonesia at malaki ang followers niya sa Instagram, like 20M.”

Kasama din sa cast sina Chika Jessica at Indra Herlambang.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines