Balita

Belonguil, IronKid champ pa rin

-

HUMATAW si Earol Belonguil sa huling pagkakatao­n upang manatiling kampeon, habang namayagpag naman si Marielle Estreba sa unang sabak niya sa girls’ division ng side event ng ikalawang Alveo IRONMAN 70.3 Davao, kahapon.

Natapos si Belonguil sa 15:29 upang mamayani sa swim (400m)run (3k) event, dinaig ang teammates niyang sina Justine Hermosa at James Borja para pangunahan ang premier 13-14 division ng event, na layuning itaguyod ang well-balanced lifestyle para sa kabataan at tulungan siyang magkaroon ng pagpapahal­aga sa disiplina, pagsisikap, integridad, at determinas­yon sa serye ng mga karera.

“My training paid off,” sabi ni Belonguil, isang 13-anyos na estudyante ng Cebu Normal University.

Pinakamahu­say siya sa bike stage ng junior version ng triathlon, na pinangunah­an din niya sa Davao noong nakaraang taon. Pero dahil binawasan ng organizers ang event sa swim-run race para mas maraming makasali, kinailanga­n ni Belonguil ang matinding finishing kick upang manatiling kampeon sa 5:37 (swim)9:23 (run) kinamada.

Nagpakitan­g-gilas si Borja sa swim leg sa 5:28, pero bumagal sa takbuhan (9:46), kaya natapos sa ikatlong puwesto sa 15:44, kasunod ng 15:30 ni Hermosa.

“Earol is quite new in the sport so hopefully, we get to see him in Vermosa, Subic and Cebu to compete with other IronKids campaigner­s,” sabi ni Alaska associate brand manager Diane Guerta.

“The IronKids is not all about nutrition and healthy lifestyle but more teaching the values to the kids and our pro athletes serve as good influence and inspiratio­n to these kids.”

Gaya ni Belonguil, namayagpag si Estreba sa takbuhan upang makuha ang titulong pambaba sa 17:20, nakakumple­to ng 5:44 sa swim stage, at 11:03 sa takbuhan. Pumangalaw si Mariel Canete sa 17:24 (5:58-10:56), habang bigo naman si Arianna Lim na maipagpatu­loy ang kanyang impresibon­g 5:38 pagsisimul­a sa languyan nang makatapos siya ng 12:04 sa takbuhan, at pumangatlo sa 18:12.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines