Balita

Tagumpay ng atleta, misyon ng Go For Gold

- Ni EDWIN ROLLON

TULOY ang paghahanap ng Philippine chess ng bagong Wesley So.

At kabilang ang 18-anyos na si John Marvin Miciano sa maraming kabataan na naghahanga­d na marating kahit kalahati ng tagumpay ng Grandmaste­r sa internatio­nal chess.

"Gusto ko po talagang maging GM -- maging next Wesley So or Eugene Torre, kung pupwede. ‘Yun po pangarap ko," pahayag ni Miciano sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Itinanghal na pinakabata­ng Pinoy na nakasungki­t ng Internatio­nal master title sa nakalipas na taon, determinad­o si Miciano na makamit ang GM norm at nangangail­agan siya ng ayuda mula sa pamahalaan at pribadong sektor, na kaagad naman tinugunan ng Go For Gold na pinanganga­siwaan ni Jeremy Go.

"Gaya po ng alam natin lahat mahirap maging GM. Nagpapasal­amat ako sa suporta ng magulang ko, pati na sa aking mga sponsors, gara ng Go For Gold ni Sir Jeremy Go at PAGCOR," sambit ni Miciano.

Ipagpapatu­loy ni Miciano ang paglalakba­y para sa minimithin­g pedestal sa pagsabak niya sa FIDE Asian Zone 3.3 championsh­ips sa April 6-16 sa Ulaanbaata­r, Mongolia.

Sasabak sa FIDE-rated event ang pinakamati­tikas na GM player sa buong rehiyon, tampok ang Southeast Asian powers Vietnamese at Indonesian.

Asam ni Miciano ang matikas na pagtatapos na magbibigay sa kanyang nang kinakailan­gang ayuda para makamit ang GM norm.

Buo naman ang tiwala ni Go For Gold Philippine­s godfather Jeremy Go sa preparasyo­n at talent ni Miciano.

"Chess is one sport where Filipinos can excel. It is a test of mental strength. I thinj Marvin is ine of our brightest you g players who deserve our support," pahayag ni Go, kasama ring bumisita sa lingguhang sports forum na itinataguy­od ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC) at napapanood ng live sa Facebook live via Glitter Livestream.

"I wish Marvin well," pahayag ni Go, matapos ang porman na pagtanggap kay Miciano bilang bagong talent ng Go For Gold Philippine­s na kinabibila­ngan din nina Asian Games skateboard­ing gold medalist Margielyn Didal, twotime men’s triathlon SEA Games champion Nikko Huelgas, cycling hero Rex Krog at ang pamosong world champion Philippine Canoe Kayak and Dragon boat team.

 ??  ?? IPINAHAYAG ni Go For Gold founder Jeremy Go (dulong kanan) na misyon ng kumpanya na suportahan ang atletang Pinoy, kabilang ang chess star na si John Marvin Miciano (dulong kaliwa), sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) kasama si RingStar boxing promoter Scott Ferrel.
IPINAHAYAG ni Go For Gold founder Jeremy Go (dulong kanan) na misyon ng kumpanya na suportahan ang atletang Pinoy, kabilang ang chess star na si John Marvin Miciano (dulong kaliwa), sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) kasama si RingStar boxing promoter Scott Ferrel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines