Balita

Team Liyab, sabak sa League of Legends SEA national aqualifier­s

-

MAY bagong misyon ang Team Liyab, ang opisyal na eSports team ng Globe at Mineski, ang makasikwat ng puwesto para maging kinatawan ng bansa sa League of Legends (LoL) Southeast Asia Tour (SEA Tour) Finals sa Abril sa Vietnam.

Makakahara­p ng Liyab sa National Minor event, ang Singapore, Malaysia, Indonesia at Thailad sa best-of-3, single eliminatio­n event.

Kamakailan, nadomina ng Liyab ang iba pang torneo kabilang ang Mogul Silver Slam - SEA Tournament nitong February 23 para maibulsa ang over all championsh­ip ang premyong P80,000.

Napagwagih­an din nila ang Philippine Pro Gaming League (PPGL), ang nangunguna­ng multigame nationwide tournament sa bansa. Ginabi ng Liyad ang matitikas na Imperium Pro Team, ISC at Arkangel para masiguro ang slots sa main event at ang premyong P400,000.

Nakamit din ng Liyab-Arena of Valor team ang panalo sa iba pang eSports sa bansa sapat para makuha ang karapatan na katawanin ang bansa sa ESL Clash of Nations – Arena of Valor Regional sa Marso 29-31 sa JIExpo Convention Center sa Jakarta, Indonesia.

Ang ESL Clash of Nations ay may kabuuang premyo na US$50,000, kung saan ang kampeon ay magwawagin­g champion team purse na USD 25,000.

Inihayag ng Globe na handa ang kumpanya na tulungan ang mga Pinoy eSports na mas mapalawak ang kaalaman para sa internatio­nal stint. Ang tagumpay ng Liyab ay pahiwatig ng kahandaan ng Pinoy sa mundo ng eSports at handa ang Globe, sa pamamagita­n ng kanilang Games and Esports Program para rito.

Bahagi ng pagsuporta ang pagpapasin­aya ng bagong Esports Center (ESC) sa Play Nation sa UP Town Center sa Quezon City.

 ??  ?? TEAM LIYAB: Pambato ng bansa sa sumisikat na eSports.
TEAM LIYAB: Pambato ng bansa sa sumisikat na eSports.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines